Chapter 40 * Last Time *

1.6K 31 4
                                    

Hannah

"Ang pagpapakasal," paninimula muli ng teacher namin, muli ay ini-ulit niya ang kanyang discussion rito sapagkat marami sa amin ang nakakuha ng maling sagot sa final exams. Pero, kung sinuswerte ka nga naman, sa akin pa talaga itinapat ang lecture na ito.

Diretsyo  lang siyang nakatingin sa amin, suot-suot ang salaming kasing kapal ng makeup niyang parang ilang milyong beses sinampal sa sobrang kapal ng blush-on. 

Halos maduling na rin ang mga kaklase ko sa kakasunod sa bawat tapak ng paa niya sa sahig habang paikot-ikot siyang naglalakad sa harapan namin. Na imbes makinig sa discussion at tumitig kay Ma'am ay mas pinili na lamang nilang titigan ang paa niyang sa totoo lang eh, mas mabuti pang tignan kaysa sa mukha niyang parang, well, parang lang namang papatay ng tao. 

Sabi nga ng katabi ko, "Mahirap na, iwas disgrasya." habang umi-iling-iling na napa-roll eyes pa tas nagpatuloy sa pagbabasa ng bagong bili niyang librong mula sa wattpad na kanina pang nakatago sa loob ng librong pinakuha sa amin ni Ma'am kung nasaan ang kanyang discussion.

Meaning, habang kanina pang tumutunog ang mala-bundok sa taas na heels ni Ma'am at nagpapa-ulan ng saliva dala ng pustiso niya eh, kanina pa siya gumagawa ng milagro. 

"Anu ba yan." reklamo pa ni Kc sa hindi ko alam na kadahilanan. Naka-kunot noo niyang tinititigan ang librong kanina pa niyang binabasa at napa-irap pa, "Bwisit na Yuri 'toh, patayin kita diyan eh!" panggigigil pa niya habang inis na inis na kinukurot ang kanina pang nagpipigil sa tiling katabi niyang si Nicole. Napa-iling na lang ako. Tsk, tsk. Kawawang Nicole. 

"Isa pa, Kc." pigil na pigil na pagbabanta ni Nicole habang nakangiti pa para hindi mapansin ni Ma'am. "Sinasabi ko sayo, isasabay kita sa bangkay ng Yuri na binabanggit mo." 

Mabilis naman sa alas-quatrong napangiti ng alanganin si Kc at tinantanan na ang kanina pang namumulang sa inis na si Nicole. "Hehe. Grabe, Nicole. Ang ganda mo talaga." pang-uuto pa niyang talaga namang gumana sa Fil-Am (Feelingera half Ambisyosa) sa sobrang gandang bestfriend niyang si Nicole. 

"Haha! I know, right?" 

At ayun. Bati na nga ang dalawa. 

"O-oh my gassh." bigla namang singit ng isa pa nilang katropang 'Wattpad' na si Marielle na kanina pa rin palang gumagawa ng milagro habang nakapwesto sa mismong likod ni Kc, "Huuummmaayyygaaahd." 

"Luh." sabat naman ng naka-kunot noong katropang 'Wattpad' din nilang si Alex sa katabi niyang si Marielle na siyang nakapwesto sa likod naman ni Nicole. "Problema mo?" 

Sunod-sunod naman na napalunok si Marielle sa naging tanong ni Alex habang napapakagat-labi pa. Slow motion niyang tinignan ang mga katropa niyang parang sasaksakin na siya sa sobrang tulis at talim ng tingin nila. Yung tingin na hindi na kinakailangan pa ng mga letra at salita para maintindihan ang sinasabi nilang, You wanna die? 

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon