Prologue

33.1K 404 6
                                    

"LUMAYAS kayo rito!" sigaw ng land lady naming si Aling Precy. "Mga wala kayong kwenta! Ang laki na nga nang naitulong ko sa inyo sa pagpapatuloy ko sa inyo rito nang hindi kayo nagbabayad nang ilang buwan sa inyong upa tapos ito pa ang igaganti niyo? Mga puta kayo!"

Napaigtad ako nang ibato niya sa akin ang frame na nakalagay sa tokador nang kwartong inuupahan namin. Napakislot ako nang maramdaman ang hapdi sa aking braso. Tiningnan ko iyon at lumaki ang mata ko nang makita ang dugong lumabas mula sa maliit na sugat. Natamaan pala ang parteng iyon sa braso ko.

"Bigyan niyo pa po kami nang isang pagkakataon Aling Precy! Pangako po at makakabayad na talaga kami!" iyak ng aking ina. Nakita kong tinangka niyang lapitan si Aling Precy pero tinampal lang nito ang kamay ni Mama.

Parang kinuyumos sa sakit ang aking dibdib sa nakita. Ang sugat niya ngayon ay wala pa sa sugat na dulot nang mga masasakit na salita na natatanggap nila sa tuwing palalayasin sila sa kanilang mga inupahan.

Pangatlong beses na sa loob nang tatlong taon nangyayari ang ganito. Una ay pinalayas sila dahil napagbintangan ang kanyang ina na nilalandi raw nito ang asawa nang kanilang landlord. Pangalawa naman ay pinagtangkaan siyang gahasain ng isa sa mga adik na anak nang pangalawa nilang inupahan.

Napagdesisyun nilang mag-ina na lumuwas nang Maynila at makipagsapalaran at napadpad sila sa squatter na lugar na ito. Ang buong akala nilang mag-ina ay dito na magsisimula ang pagtupad nila ng kanilang mga pangarap pero nagkamali pala sila. Pumasok ang kanyang ina bilang isang labandera pero hindi rin nagtagal dahil muntik na din itong pagsamantalahan nang naging amo nito. Sinubukan din nilang pumasok na maging katulong pero laging nauuwi sa ganoong sitwasyon kaya naman nang may naawa sa kanila at nag-offer na papasukin siya bilang tindera sa talipapa ay sinunggaban niya agad. Sa una ay okay pa ang kanyang trabaho. Yung naging sweldo niya ay nakakatulong naman kahit papaano sa kanilang mag-ina. Nakapagtapos siya nang highschool kahit pa lagi siyang nauuwi sa pagiging transferee. Mas lalong hindi na niya pinangarap na makatuntong siya ng kolehiyo dahil sa imposible iyong mangyari sa katayuan nang buhay nila ngayon. Kung hindi pa naglalabandera ang kanyang ina paminsan-minsan,medyo kinukulang din ang pangtustos nila araw-araw lalo pa't may upa pa silang dapat bayaran.

"Sige na po,Aling Precy,maawa na po kayo sa amin,pangako po hahanap po talaga ako ng paraan para makapagbayad kami sa upa,wag niyo lang po kaming paalisin." naiiyak ko na ding sabi.

Wala na akong kahihiyan pa. Sa murang edad ko,nakagisnan ko na ang ganitong buhay. Natuto akong magmakaawa para lang mabuhay kami ni Mama. Hindi ko na alintana ang mga pangungutya at pangmamata ng mga tao sa amin.

"Wala nang awa-awa! Sige na,kunin niyo na itong mga basura niyo at umalis na kayo sa teritoryo ko! Pag hindi pa kayo umalis ay tatawag ako ng pulis at ipapakulong ko kayo!" paasik niyang sabi sa amin at saka nilagpasan kami.

"Aling Precy!" tawag ng aking ina.

Napaiyak ito ng malakas. Agad ko siyang dinaluhan at niyakap.

"Mama,tama na." alo ko sa kanya.

Nang tumigil na si Mama sa pag-iyak ay agad kong tinipon lahat ng nagkalat naming mga damit at isinilid iyon sa malaking bag. Wala naman kaming masyadong gamit kaya madali akong natapos sa pag-impake sa mga iyon.

Nasulyapan ko ang kaninang nabasag na frame. Dinampot ko iyon at pinasadahan iyon ng tingin. Picture namin iyong tatlo ni Mama at Papa noong 9th birthday ko. Napangiti ako ng mapait.

"Papa,bantayan niyo po kami ni Mama."













AUTHORS's MESSAGE:

A story made from the author's imagination. Places and events are not guaranteed for accuracy.


A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon