With all the smiles that Dave brought into my life I never thought it would also brought so many tears in me.
Halos ikamatay ko na ang masakit at walang closure na "hiwalayan" namin. Araw-araw kong dinalangin na sana ay puntahan niya ako sa bahay pero walang Dave na dumating at dadating.
Para maiwasang masaktan pa akong lalo ay ni-deactivate ko ang facebook account ko.Gusto kong iwasan lahat nang tungkol sa kanya kaya maging ang mga kaibigan namin ay tiniis kong hindi makipag-usap hanggang matapos ang school year.
I tried to stand on my own. Do things na kahit papaano ay makakalimutan ko ang lahat nang nangyari. Matapos ang second sem ay lumipad ako patungong Legazpi pero wala ni isa man sa mga kaibigan ko ang nakakaalam.Maging si Justin ay wala ring alam na darating ako. Si Mama ay susunod na lang daw sa akin.
Nagtaxi ako patungo sa bahay ni Lola. Pagdating ko doon ay nakita kong walang tao sa bahay kaya tinext ko na si Justin.
Me to Justin: Just,asan kayo?
Umakyat agad ako sa kwarto ko.
Justin: Andito kami sa hospital. Inatake si Lola kagabi.
Me: Saang hospital? Pupunta ako.
Hindi pa man siya naka-reply ay nagmadali na akong lumabas nang kwarto ko at bumaba sa hagdan.
Nag-vibrate ang phone ko. Si Justin tumatawag na.
"Hello Jus"
Ani ko habang nag-aabang ako nang taxi.
"Andito ka sa Legazpi?"
"OO. Heto naghihintay na ako nang taxi.Saang hospital dinala si Lola?"
Sinabi niya ang pangalan nang hospital. Sakto namang may kakahinto lang na taxi.
Pagdating ko sa hospital ay agad akong nagtungo sa nurse station.Tinanong ko agad kung anong room si Lola. Halos takbuhin ko na ang pasilyo nang hospital para makarating lang sa kwarto ni Lola.
Nag makita ko na ang room number ay marahan kong pinihit ang door knob at binuksan ang pinto nang kwarto. Tumambad sa akin ang nakahigang si Lola na natutulog. May mga tubo siya sa katawan at oxygen.
Nakita kong napalingon sa gawi ko sina Tita at Justin. Halata ang pagod at puyat sa mga ito.
"Tita.." sabi ko sabay lapit at yakap kay Tita. "Kumusta si Lola?"
Hindi na ako nasagot ni Tita kasi napahikbi na siya. "She's getting weaker each day,Lea."
Nanlumo ako sa narinig at tinignan ko uli ang nakahigang si Lola.
"She needs proper medication at ang advise nang doctor ay dalhin siya sa Amerika sa lalong madaling panahon baka sakaling may pag-asa pa siyang gumaling pero ayaw naman nang lola mo na magpagamot nang matagal doon." sabi pa ni Tita.
"Bakit ayaw niya po?"
"You know your Lola,Lea. She'd rather die here than to think of herself for the possibilities na pwede nga siyang gumaling pag nagpagamot siya sa Amerika. Although nagpupupunta kami doon para matignan siya mas gusto pa rin niya dito.I tried to convince her pero ayaw niya."
Alam kong nahihirapan si Tita. Kita ko yun sa mukha niya. Maging si Justin na tahimik lang sa isang tabi ay ganun din.
"Kailan po ba siya pwedeng lumipad pa-Amerika?"
Halatang nagulat si Tita sa tanong ko.
"As soon as magising na siya pero the thing is baka ayaw niya Lea."
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."