Chapter 25

12.1K 262 4
                                    

Sometimes you don't know what you have until it's gone. Totally gone. Sad but true. Iyan ang natutunan ko nang nag-desisyon akong iwan si Dave. Kasabay nang pag-alis ko sa lugar na yun and pagkamatay naman ng puso ko.

Hell was i felt everytime na maaalala ko si Dave when I left Legazpi City five months ago. Walang araw na hindi ako umiiyak sa pangungulila ko sa kanya. Ilang beses rin akong nagkulong sa kwarto ko. Kahit kinakausap ako ni Mama ay hindi pa rin naibsan niyon ang sakit na nararamdaman ko. But life goes on.I have to move on.

Andito na kami sa Tarlac para magsimula nang bagong buhay. Naibenta ni Mama ang lupang na-invest nila ni Papa noon. Medyo malaki-laki rin ang benta niya sa lupa kaya nakabili kami ng maliit pero kumportableng bahay naman. Nagsimula na rin akong pumasok sa isa sa mga University rito pero hindi na katulad nang kurso sa DACU ang kinuha ko. Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management na ang bagong kurso ko ngayon bilang first year. Nahirapan akong mag-adjust noong unang pasok ko pa lang sa campus pero kalaunan ay nasanay na rin ako.

Bahay at eskwelahan,iyon lagi ang routine ko. May mga nakilala na rin akong mga bagong kaibigan na hindi man katulad sa mga naiwan ko sa Legazpi pero nakagaanan ko rin naman nang loob.

Para maiwasan kong isipin ang mga taong naiwan ko sa lugar na iyon ay inabala ko ang aking sarili sa mga iba't-ibang bagay katulad ng pagsali ko sa pagiging Varsity sa Volleyball team ng school.Naging abala rin ako bilang member ng student council kasama ang mga kaibigan kong sina Maxine at Sarah.

Sa bahay hindi na namin napag-uusapan ang mga nangyari noong nasa Legazpi pa kami. Mas mabuti na rin yun at maghilom na ang sugat sa puso ko. Walang balita mas mabuti. Baka nga naka-move on na din si Dave. Sa pag-iwan ko sa kanya alam kong kinamumuhian na niya ako ngayon. Si Dave ay parte na lang sa pinakamaganda pero pinakamasakit na kabanata nang buhay ko.


"Hi Lea,oh ano kita na lang tayo mamaya?" Ani Cristine,ang team captain ng varsity team sa volleyball na kinabibilangan ko nang abutan niya akong naglalagay ng mga gamit ko sa locker room.

Si Cristine ang isa sa mga unang taong naging mabait sa akin nang nag-try out ako sa team nila. Nabaitan agad ako sa kanya.

"Sige,susunod na ako. Magpapalit lang ako ng uniform." sabi ko. 

Drill kasi namin ngayon in preparation for the Intercollegiate Sports Fest para sa darating na weekend. Ang balita ko'y malakas daw ang makakalaban namin.Madali akong nakapasok sa varsity team namin dahil nakapasa ako sa lahat nang pagsubok at training. Lalo pa't may ilang laro na rin sa school akong nasalihan at napahanga ko hindi lang ang aking mga teammates pati na din ang aming coach na si Coach Martin.

Living in Tarlac for five months now,masasabi kong marami nang nagbago at marami nang nangyari sa buhay ko. I can say na hindi katulad noong nasa DACU pa ako na nabubully ako,dito I felt welcome. Siguro nga,ito nga ang lugar para sa akin.

Binilisan ko na ang paglalakad nang matapos na akong makapagbihis nang volleyball uniform ko.Naka short shorts lang ako at jersey top  kung saan nakalagay ang apelyido ko sa likod pati na ang number 23 at ang acronym naman nang school ang nasa harap. Bitbit ko pa sa aking mga kamay ang aking mga knee pads, plano ko kasing doon na lang iyon suotin sa may bleacher sa court.

"Hi Lea!" bati sa akin nang mga nakakasalubong ko. Nginitian ko sila isa-isa.

Pagkatapos ay naabutan ko na si Coach Martin na napapagitnaan na nang mga kasamahan ko sa court. Tahimik akong umupo at tumabi kay Cristine. Sinulyapan ako ni Coach bago pa siya nagsalita muli.

"Gaya nang sinabi ko,we will be having practice for the whole weekend before the tournament. I want you all to focus on your defenses and techniques. Cristine and Faith, you work on your footwork and floating serve. Elaine and Jessa,you work on your jump serves and passing..." sabi niya. "And  Azalea and Mimi,work on your spikes." sinulyapan niya ako. "Girls,our next opponent from other school is one of the best kaya please work double time. We don't want our school to be laugh at,right?" aniya.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon