Chapter 4

12.8K 296 4
                                    

"Welcome back pare!" sabay-sabay na wika ng mga kaibigan niya.

Tinanggap ni Dave ang high five mula sa mga ito. Andito sila ngayon sa Skyhigh club kung saan binigyan siya ng welcome party ng kanyang mga kaibigan. Kararating lang niya kanina galing sa Amerika. 

"Hi Dave! Welcome back!" nagulat na lang siya ng may lumapit sa kanyang babae. Napasipol naman ang kanyang mga kaibigan.

"Dave Alexander Araneta,women magnet ka pa rin pare!" tudyo ni Wilford na ngayon ay abalang-abala na sa pakikipaglampungan sa dalawang babaeng nakaupo sa mga hita nito.

Inilibot ni Dave and kanyang paningin at napangisi siya. This is what he missed! Night life kasama ang kanyang mga matatalik na kaibigan.

Nang makaupo na siya ay agad siyang binigyan ni Benj ng shot.

"Para sayo,I know you missed it!" sabi nito na may halong nakakalokong ngisi.

He smirked. Yeah,this is what he needs. Nilagok niya iyon. Agad na nag-init ang kanyang lalamunan ng malasahan ang inumin.

"Where's Justin?" nakakunot-noo niyang tanong.

Sandali munang nagkatinginan sina Benj,Wilford at Cody.

Si Cody na ang nagsalita."Nasa hospital ang lola niya,inatake sa puso." 

Sa kanyang mga kaibigan,si Justin ang pinakamalapit sa kanya. Loko yun ah,di man lang siya sinabihan.

"Oh my look who's here?" bulalas ni Benj na siyang nagpalingon sa kanila.

"Looks like someone's gonna get laid tonight!" tukso ni Wilford at nabaling ang tingin ng lahat kay Dave.

"Dave baby,..you're here..." walang sabi-sabing lumapit sa kanya at kumandong ang dumating na babae.

"Martina." he said.

Hindi na siya nakahuma ng sakupin nito ang kanyang mga labi. Isa si Martina sa mga naging fling niya sa school. Isang beses lang ang nangyari sa kanila pero akala ng mga taga skwelahan nila ay girlfriend niya ito.Grabe din kasi kung makakapit ang babae sa kanya.

Ang grupo niya ang tinaguriang notorious pagdating sa mga babae. Si Cody na tahimik lang pero nasa loob pala ang kulo. Si Benj na pinaka flirt sa kanila pero walang ni sinuman ang sineryoso. Si Wilford na kilala sa pagiging man whore. Kung meron mang masasabing kapareho niya ng ugali iyon ay si Justin. Kahit pa mahilig at mapaglaro rin sila sa babae pero alam naman nila kung hanggang saan sila.

"I missed you Dave.Ikaw ha, ni hindi mo man lang sinasagot ang mga emails ko sayo at ang mga pagpapapansin ko sayo sa facebook." sumbat nito sa kanya.

Tumaas ang kanyang kilay at umiling-iling siya. Yeah he knew that she's been sending him messages pero talagang iniignora niya ito. Wala siyang balak na mag reply sa mga ito.

Katunayan,hindi rin lang ito ang nag-memessage sa kanya,may mga iba pang babae na taga eskwelahan halos. Not that he didn't care but hindi lang niya gustong paasahin ang mga ito. 

"I'm sure magkakagulo na naman nito sa Monday." sabi ni Benj.

"Yeah right,Dave Araneta is so back!" segunda ni Wilford.

"Baka may mag-claim na naman niyang na nabuntis mo Dave at gawan pa nang video ang pagsi-sex niyo!" nakangising sabi ni Cody.

Sandaling tumahimik ang mga naroroon. Siya naman ay nagtagis ang mga bagang. Nakita niyang sinipa ni Benj ang paa ni Cody.


Yeah,right! 


"How's my mother,doc?" salubong na tanong agad ni Dianna sa kakalabas lang ng emergency room na doktor.

"She's fine now.She'll be transfered to the recovery room." sabi nito.

"Can I talk to you,Dianna?" aning doktor.

"Sige na Mom,ako na ang bahala rito." ani ni Justin.

Agad naman sumunod ang kanyang ina sa doktor.

Justin was so worried with the conditon of her grandma. Alam niyang mahina na ang katawan nito. Matagal nang iniinda nito ang sakit sa puso niya.

Kung tutuusin tanging mga medisina na lang talaga ang nagpapatibay ng katawan nito. He knew that his grandma is still looking for his long lost cousin. Kaya naman mas lalo pa itong nakadagdag sa mga alalahanin nito.

Hindi lingid sa kanyang kaalaman na matagal na nitong pinapahanap ang nawawalang apo nito na anak ng Tito Ramon niya na kapatid ng kanyang Mama.

Lumaki siya sa lola niya kaya nakita niya kung paano ito nasasaktan everytime na ibabalita ng detective na hindi pa nito nahahanap ang nawawalang apo. Ang tanging alam lang niya ay babae ang nawawalang nakababatang pinsan niya.

Yeah,he opposed at the idea of finding her at first dahil ayaw niyang may makaagaw siya sa atensyon ng kanyang Lola.

Ngunit ng ipinaliwanag nito sa kanya ang mga nangyari ay may humaplos na awa sa kanyang puso para sa kanyang pinsan.

He's not selfish to give her the lost love that she could have long before and all he could think of right now is sana ay mahanap na ito bago pa may mangyari sa kanilang lola.



"Anak,naisip mo bang mas magaan ang buhay mo kung naging mayaman ka lang?"

Napabalikwas ng bangon si Azalea mula sa pagkakahiga para harapin ng kanyang ina. 

Bumuntong-hininga siya.

"Hindi ko na po naisip yun,Ma. Simula't sapol naman noong nabubuhay pa si Papa,hindi niyo naman ako pinagkaitan ng mga gusto ko." ani ko. "Bakit niyo po naitanong yan,Ma?

Saglit itong nag-isip,pagkuwa'y nagpakawala ng buntong-hininga.

"Wala lang anak. Sige,matulog ka na. Maaga ka pa bukas para sa klase mo." wika nito.

Napangiti ako ng maalala ang hindi ko inaasahang balita sa akin kanina. Natanggap ako sa DAC University bilang scholar.

Ako ang nakakuha ng last slot kaya walang paglagyan ang tuwa ko. Hanggang ngayon ay di pa nga ako naka recover. Para bang panaginip lang ang lahat.

Nagkaiyakan nga kami kanina ni Mama,maging sina Aling Agatha at Aling Sabel. Masaya silang lahat para sa akin. Sa wakas ay unti-unti ko na ring matutupad ang mga pangarap ko.

May pag-asa pa pala talaga sa mga tulad ko at wala akong balak na sayangin ang oportunidad na binigay sa akin. Pag-iigihan ko ang aking pag-aaral hindi lang para sa mga taong nagtitiwala sa akin kundi para na rin may mapatunayan ako sa sarili ko.


A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon