Chapter 63

10.2K 209 7
                                    

Halos di matigil-tigil sa Nicole nang makita na niya sa wakas si Alexis nang mag-facetime kami. Napaiyak pa ito lalo ng tawagin siya ni Alexis ng Tita Nicole. Ako naman ay naiiyak na lang din na nanunuod sa kanila habang nag-uusap ang dalawa. Nasa office pala ni Justin si Nicole.

"And then my Mom bought me this big car and I really liked it Tita Nicole.." walang sawang pagkukwento ni Alexis sa Tita niya.

Si Nicole ay nangingiti lang habang nakikinig.

" Lea,seemed like I am looking at Kuya's mini-me.." ani Nicole.

Napangiti naman ako nang mapait. Yeah,my son is a mini-Dave.

"So what else do you wish on your birthday,Alexis?" tanong ulit ni Nicole sa anak ko habang nakita kong nakatuon na rin ang atensyon ni Justin sa kanila.

"I want to see my Dad. Mom told me that my Dad is working somewhere far away but I wish he will visit me here when it's my 5th birthday."

Napatutop ng bibig niya si Nicole. Maging si Justin ay nagulat sa sinabi ng anak ko.

"Dave baby...I think that's enough for now. Why don't you go brush your teeth now,okay?" ani ko sa anak ko at sumunod naman siya.

"Lea,what are your plans? Your son needs his father." wika ni Nicole.

"I don't know yet Nic. Sa totoo lang ay natatakot pa rin ako." sabi ko.

"Kuya will eventually know the truth,Lea. That's why I think pagbalik mo dito,it's about time na sabihin mo sa kanya ang totoo. Tell him everything,Lea. Sa amin kasi ayaw makinig ni Kuya. He's really stubborn dagdag pang nagpapadala siya sa bawat dikta ng fiancee niya."

Fiancee.

" Hindi ko talaga alam Nic. Kung malaman niyang may anak kami, what about his fiancee? Natatakot akong baka hindi matanggap ng fiancee niya na may anak si Dave sa labas."

"If she can't then hindi niya talaga mahal si Kuya! Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ni Kuya sa kanya eh..eh ang layo naman ng babaeng yun sayo.."

Gusto ko sanang matuwa sa sinabi ni Nicole dahil alalm kong hanggang ngayon ay ako ang gusto niya para sa kuya niya but the thing is hindi naman siguro yayayain ni Dave yung babae kung hindi niya talaga mahal.

"I'll help you if you want,Lea. Just try just like before. Gamble kung ayaw ni Kuya then it's his lose kung nangingibabaw pa rina ng galit niya sayo. Bulag na lang siya kung hindi niya makita yung sakripisyo mo rin sa inyong dalawa."utas niya.

"Honey,tama na yan. Mas ginugulo mo lang yung isip ni Lea. Ang importante sa kanya ngayon ay ang makauwi na sa Pilipinas at pamahalaan ang hotel doon sa Manila." sabi pa ni Justin na hinahaplos-haplos na ngayon ang mukhang galit pa ring si Nicole.

"Thank you Nic. So,babye muna for now. I'll see you when I get there."

"Of course! Kami kaya ang susundo sa inyo sa airport. Shocks I'm so excited! Gusto ko na talagang mayakap yung cute na cute kong pamangkin! And wait is it okay to tell Jasmine and Benj para naman magka-get together tayo pagdating mo?"

"Sure!"


Natapos nga ang contract ko sa work place ko. Natanggap na rin namin ang mga necessary documents para makapag-travel na kami nina Mama at Alexis papuntang Pilipinas. Balak kong i-enrol nang first grade si Alexis sa isang catholic school pagdating namin sa Manila.Nakatapos na kasi siya ng K2 rito so I am hoping na tanggapin siya bilang grade 1 sa Pilipinas despite his young age.


Dumating ang araw ng flight namin. Hindi na magkamayaw si Alexis habang lulan na kami ng plane papuntang Manila. Excited siya dahil first time niyang makasakay ng eroplano at first time din niyang bumiyahe.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon