"Magandang umaga po,Aling Agatha!" masiglang bati ni Azalea sa babaeng kakabukas lang ng kanyang tindahan.
"Oy magandang umaga din sayo,Lea!"ganting bati naman nito sa kanya.
Araw-araw niya itong ginagawa sa kada kita niya sa babae. Nakasanayan na niyang batiin ang mga bago nilang kapitbahay mula noong mapadpad silang mag-ina sa Legazpi City isang buwan na ang nakakaraan.
Mula noong pinalayas sila sa dating inuupahan ay agad silang bumiyahe ng kanyang ina at kung saan-saan pa sila nakarating. Muntik pa ngang maubos ang perang naitabi niya para sana sa kanyang pangkolehiyo dahil sa kakahanap nila ng bagong mauupahan.
Ang buong akala niya ay wala na talaga sila ni isang kusing pero nagulat na lang siya ng ibigay ng kanyang ina ang isang sobre na naglalaman ng malalaki-laki ring pera. Sinabi nitong ipon daw iyon sa kada bigay niya ng kanyang sweldo at may konti din daw itong idinagdag mula sa paglalabada para kung sakaling mag-enroll siya sa college ay may pera siyang magagamit.
Napaiyak siya sa bahaging iyon.Hindi niya akalain na nasa isip pala nang Mama Leah niya ang kanyang lihim na pangarap. Pero gaya nga nang sinasabi nang mga mahihirap na gaya niya,hanggang pangarap na lang siya.
Buti na lang ay pinatuloy sila ni Aling Agatha sa bakanteng kwarto nito sa ikalawang palapag ng bahay nito. Nakilala kasi nila ito ng muntik na itong mabiktima ng snatcher sa may babaan ng bus kung saan sila sandaling nagpahingang mag-ina noong umalis sila sa lugar na ayaw na niyang balikan pa. Nag-magandang loob itong patuluyin sila bilang pasasalamat sa pagtulong nila dito.
"O ano,papasok ka na ba sa bakery ?" tanong nito.
"Opo." sagot niya.
Ito rin ang tumulong sa kanyang makapasok bilang tindera sa bakery sa bayan. Noong una ay ayaw pa siyang tanggapin ng may-ari dahil sa minor de edad pa siya. Sinabi niyang malapit na siyang mag-18 kaya hindi na rin ito nakatanggi sa pangungulit nilang dalawa ni Aling Agatha.
"Ang mama mo?"
"Nasa taas pa ho nag-aayos nang hinigaan namin." ani ko.
Tiningnan ko muli sa salamin ang aking itsura. Malinis na itinali ko ang aking mahaba at hanggang likod kong buhok. Kailangan kasi iyon sa trabaho ko bilang ayaw ng may-ari na magkaroon ng buhok ang mga tinapay na ititinda namin.
"Sige po,alis na po ako."
Lumabas na ako sa kabahayan. Nakita kong medyo madilim-dilim pa. Noong una ay natakot akong maglakad mag-isa habang tinatahak ko ang daanan namin patungong waiting shed kung saan naghihintay ang mga tricycle pero kalaunan ay nakasanayan ko na rin.
Nagpapasalamat na lang ako at mababait naman ang mga taga Brgy. Sampaguita sa amin ni Mama. So far wala pa namang nagtangkang gawan kami ng masama.
Pagkalabas ko ng waiting shed ay nakita ko agad ang suki kong tricycle driver na si Mang Kanor. Alas kwarto nang umaga pa lang talaga ay nakaabang na siya sa mga sasakay na pasahero.
"Magandang umaga po,Mang Kanor!" bati ko sa matanda.
"Magandang umaga naman,Lea. Ano,magpapabayan ka na ba?" tanong nito.
Tumango ako. "Opo."
Sumakay ako sa likod ng tricycle niya at agad naman niya itong pinaandar.
Halos magdadalawang buwan nang ganito ang ginagawa ko. Maaga akong gumigising para magtrabaho at pag-uwi ko naman sa gabi ay tumutulong ako kay Aling Agatha sa kanyang tindahan. Ganti ko iyon sa libreng pagpapatuloy niya sa amin ni Mama sa bahay niya. Akala ko lahat ng tao ay kaparehas ng ugali ng dati naming landlords pero may mga mababait pa rin pa lang handang tumulong sa mga katulad namin.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."