Medyo may kahabaan din ang biyahe namin bago ba huminto ang sasakyan ni Dave sa isang mataas na building sa syudad. Huminto siya sa tapat ng guard at may ipinakita siyang I.D saka dahan-dahan ipinasok ang sasakyan niya sa parking lot.
Nang tuluyan nang nakapark ay bumaba na siya at saka umikot sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan saka ako bumaba. Siya naman ay binuksan ang pintuan ng passenger's seat at marahang binuhat si Alexis. Pumasok kami ni Dave sa building at sumakay ng elevator. Nakita kong pinindot niya ang 23rd floor. Wala kaming imikan hanggang sa narating namin ang 23rd floor at lumabas na kami.
Paglabas namin ng floor ay ilang meters lang ang nilakad nain at huminto na kami sa tapat ng isang kwarto. May itinype siyang password sa pintuan saka iyon bumukas. Halos malula ako sa ganda at linis ng nakapasok na kami sa loob. Ang ganda ng mga disenyo na akmang-akma sa style ni Dave.
Sumunod ako kay Dave sa nakabukas na kwarto at doon ay tinulungan ko siyang iayos sa pagkakahiga si Alexis. Ini-on niya aircon.
Ako naman ay isa-isang tinanggal ang sapatos at medyas ni Alexis. Sinunod ko ring tanggalin ang pants niya at ang polo shirt niya.
Nasulyapan kong nakatitig lang si Dave sa akin habang ginagawa ko iyon.
"Salamat." sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya at saka lumapit sa kama at umupo sa tabi ni Alexis.
Nakita kong hinaplos niya ang mukha nang anak namin at pinakatitigan ito.Pagkuwa'y hinagkan nito ang noo ng bata. Palihim akong napangiti.
Naisipan kong tanggalin ang heels ko kaya tumalikod ako sa kanya ngunit nabigla ako nang nasa harapan ko na siya kaya tuloy ay napahinto ako sa pagtatanggal ng heels ko.
"Ako na.." aniya saka lumuhod sa harapan ko at kinuha na ang isang paa ko saka tinanggal ang heels ko.
Halos mapaso ako sa simpleng pagdampi ng kamay niya sa paa ko.
"Dave..wag na.ako na.." saway ko sa kanya at iniiwas ko pa ang paa ko.
"Let me." utos iyon dahil hindi niya binitawan ang paa ko.
Tumahimik na lang ako at pinagmasdan ko na lang siya sa ginagawa niya.
Nang matapos niyang tanggalin ang mga heels ko ay napatingin siya sa naka-expose kong mga legs. Napalunok ako ng napalunok rin siya saka iniiwas niya ang tingin doon at tinignan ang mukha ko.
"Thank you for giving me an angel.." madamdamin niyang sabi.
"Dave..."sambit ko.
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Ramdam ko ang init sa bawat lapat ng labi niya sa kamay ko. Pagkatapos ay inilagay niya ang kamay ko sa pisngi niya.
"Let's start all over again baby...this time wala ng iwanan." nakikiusap ang mga mata niya habang tinititigan ako. "I want a family with you. I want our family."
Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Yes,Dave."
At hinila ko siya papunta sa akin saka niyakap siya sa may leegan niya. Ang ulo naman niya ay nakasandal sa dibdib ko at ang mga braso niya ay tuluyan niyang yumakap sa baywang ko.
HInalik-halikan ko ang buhok niya habang siya naman ay ginagawaran ang braso ko na malapit sa kanya ng mga maliliit na halik.
" I love you so much,Dave.." anas ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at inangat ang ulo niya.
"I love you more my Azalea..." aniya saka kinulong na ang mukha ko sa mga kamay niya at tuluyan na niyang sinakop ang labi ko.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."