Chapter 14

12.6K 284 0
                                    

Nang nasa pasilyo na kami papuntang class room ko ay saka lang lumuwag ang hawak sa akin ni Dave. Ipinagpasalamat ko naman iyon dahil kahit ang mga iilang estudyante roon ay napapalingon sa aming pagdating.Kung kanina ay halos yapusin niya na ako nang makita kami ni Kevin,ngayon ay tahimik na lang siyang nakasunod sa akin. Mabuti na rin yun para hindi kami masyadong obvious. 

Nilingon ko siya. "Hintayin mo na lang ako dito sa labas,kukunin ko lang ang mga gamit ko." sabi ko.

Nakita ko ang akmang niyang pagtutol pero inunahan ko na siya.

"Please?" 

Tumango siya at iniwan ko siya sa labas ng pintuan ng room. Ako naman ay pumasok at tinunton ang aking upuan. Nakita kong wala na doon ang sling bag at libro ko kaya naisipan kong i-check ang locker sa may likuran. Agad kong kinuha ang ang mga gamit ko nang makita kong maayos na nakalagay roon. Pinagpag ko muna bago ko isuot ang sling bag ko at lumabas na nang room.

Nagtangka pang kunin ni Dave ang libro sa kamay ko pero tumanggi na din ako. First day pa lang namin pero parang gusto na niyang magpaalipin sa akin. Ganito ba talaga ang isang Dave Alexander Araneta? Napapaisip tuloy ako kung ganito ba siya sa ibang mga babaeng nagugustuhan niya. Kaya ba madami ang nagkakandarapa sa kanya? 

Hanggang sa makarating kami sa parking lot. Pinagbuksan niya ulit ako ng pintuan sa front seat bago pa siya tumalilis sa driver's seat. Ngayon ko lang talaga natignan na tinted pala sa labas ang kanyang sasakyan kaya hindi masyadong kita kong sino ang nasa loob.

Sa loob ng kanyang sasakyan ay nagtaka ako kung bakit hindi pa niya pinapaandar ang makina nito. Sa halip ay nakahawak lang ang kanyang mga kamay sa manibela at diretso ang tingin.

"May problema ba Dave? Galit ka ba sa akin dahil sa tinanggihan kitang dalhin ang libro ko?" nagtataka kong sabi.

Hindi siya sumagot sa akin,sa halip ay isang buntong hininga lang ang narinig ko. 

"Natakot ka ba kanina?" Ani Dave.

Lumingon siya sa akin at nagtagpo ang aming mga mata.

Alam ko na agad ang tinutukoy niya. Ang eksena kanina nila ni Kevin. 

Tumango ako. Ayokong magpaka-plastik sa kanya. Totoong takot na takot talaga ako kanina.

Naramdaman ko ang daliri niyang humahaplos ngayon sa aking braso. Agad na nanindig ang mga balahibo ko. Ayan na naman ang pagkalabog ng puso ko. Ngayon ay tuluyan na siyang nakaharap sa akin.

"I'm sorry kung natakot ka kanina. Fuck! I could kill for you,you know..." napahumindik ako sa sinabi niya.

Ganito ba talaga siya? Ganito ba siya sa mga babaeng lumalapit sa kanya? Paano ka ba magalit Dave?

"Pabayaan mo na lang siya Dave. Siguro naman ay hindi na niya ako lalapitan dahil sa nakita niya sa atin kanina." sabi ko.

Lumapit pa siya ng konti sa akin at inangat ang baba ko.

"Baby,you are so innocent. I know the likes of him." aniya.

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"As much as I hate it but I know that he likes you too,Azalea." seryosong sabi niya. "Baby,please promise me na lalayuan mo siya pag nagkita kayo...na iiwasan mo siya..." 

Tahimik pa rin ako. HIndi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa ni Kevin. 

"Say yes please?" pagsusumamo niya.

"Uh...."tango ko naman.

Ngumisi ito."Good girl."

Gusto ko pa sana siyang tanungin kung bakit gusto niyang iwasan ko na si Kevin pero nagpigil ako. Bago pa lang kami ni Dave at ayokong magkaroon kami ng tampuhan dahil dito. Yes,I am innocent at paniguradong wala pa akong masyadong alam sa kanya maging sa mga taong mga kakilala niya rito sa campus.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon