Chapter 66

12.2K 286 5
                                    

Sa mga sumunod na araw ay naging busy na ako sa pagpiprepare para sa incoming anniversary ng hotel. Magkatulong kami ni Justin sa preparasyon kaya confident ako na magiging successful .Handa na rin lahat ng mga invitited guests para sa party at naisipan naming mag-nvite ng bandang tugtog but then Nicole suggested na sina Chesca at Cody ang pakantahin at maghire na lang kami ng band for them just like the old times. Luckily,pumayag naman yung dalawa.

Sa convention gagawin ang anniversary party kaya around 150 invited guests ang inaasahan naming dadating. Si Tita ay nakatakda na ring dumating dito bukas dahil gaganapin ang party tomorrow night.

Andito kami ngayon ni Nicole at Alexis sa isang boutique. Pinuntahan niya kasi ako kanina sa pffice at niyaya niya akong mag-shopping ng susuotin namin para bukas. Just like the old Nicole na nakilala ko noon. Si Alexis naman ay walang klase kaya napilitan akong isama siya dahil na rin sa pamimilit ni Nicole. Gusto daw nitong ipag-shopping ang pamangkin niya.Kaya hinayaan ko na lang siya. Nakokonsensya rin kasi ako sa ilang taong pagdadamot ko sa kanila sa anak ko.

"Lea,ano? Okay ba?" tanong ni Nicole sa akin na ngayon ay nakasuot na nang skimpy dress na kumurba sa katawan niya. She's really a bombshell kahit noon pa man.

"It looks great on you,Nic.I like it." nakangiti kong sabi .

Pumasok siya ulit sa fitting room habang ako ay busy lang sa pagbabasa ng magazine. Si Alexis naman ay busy din sa paglalaro ng leappad niya sa tabi ko.

Tumunog ang chime nang boutique at ramdam kong may pumasok doon pero hindi na ako nag-abala pang tingna kung sino yon baka isang customer lang.

"Azalea?"

Napaangat agad ako nang nakita ko ang nakatayong si Abby na may hawak na ngayong hanger na may dress sa kamay niya.

Halos itulos ako sa kinauupuan ko ng marealize kong katabi ko pala si Alexis na nakayuko lang.

Marahan akong tumayo. "Abby.."

"What are you doing here? Sinong kasama mo?" aniya at binalingan ang anak ko. "Oh my,is that your son?"

Gusto ko na lang magtatakbo sa mga oras na yon. Gusto kong hilahin si Alexis at umalis na kami roon.

Naagaw siguro ni Abby ang atensyon ni Alexis kaya tumingal na ang anak ko sa kanya. Nakita kong napawi ang ngiti ni Abby at napalitan iyon ng pagkatakot na para bang nakakita ng multo.

Walang nakapagsalita sa aming dalawa. Kung hindi pa lumabas si fitting room si Nicole at dali-daling lumapit sa amin ay hindi pa kami parehong nakabawi ni Abby.

"Hey Abby!" ani Nicole na parang wala lang sa kanyang makita man ni Abby ang anak ko.

"Nic.." pumormal ang tinig ni Abby pero nakatuon pa rin ang mata niya sa anak ko.

"Ahmm Abby..."

Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil mabilis niya akong pinutol. "Don't!" galit niyang sabi.

Ngayon ay may galit na sa mukha ni Abby at nakatingin pa talaga sa akin na para bang inuusig niya ako.

"It's Dave,right? Si Dave ang ama ng anak mo?" aniya.

Napatigagal na lang ako. Maging si Nicole ay nakaawang na rin ang labi pero hawak na nito si Alexis sa magkabilang balikat.

"Abby,I'm not here to ruin your relationship with Dave." sabi ko.

Natawa siya ng mapakla. "Really? I don't believe you,Azalea. I knew it! I knew it noong unang kita ko pa lang sayo. Alam kong hindi lang kayo magkaibigan ni Dave. Akam kong mas malalim pa doon ang relasyon niyo. Tell me Azalea,ikaw ba ang dahilan kung bakit biglang nanlamig sa akin recently si Dave? Ginamit mo ba ang anak mo para awagin siya sa akin?Bumalik ka ba rito para agawin si Dave sa akin sa pamamagitan ng anak mo?" paasik nitong sabi sabay marahas na hawak sa braso ko. Dahil nagitla ako ay hindi na ako nakahuma pa.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon