It's better to let go of the things that hurt us rather than holding on to it. That's what I've learned sa amin ni Dave. Mahirap pero kailangan. I don't want to be tied up loving him when I know na may iba na siyang mahal. Kailangan kong paulit-ulit na tanggapin na si Dave ay parte na lamang nang nakaraan ko.
Mula noong party ay hindi na naulit ang pagtext niya sa akin,not that I am expecting him to do so pero siguro narealized niyang masasaktan lang kami pareho kung ipilit pa namin ang hindi na pwede. Ayaw ko ring masaktan namin si Xenia.
I'm going to let him go but it doesn't mean I would stop loving him in secret. Masokista na yata itong puso ko. Para bang naka-tattoo na talaga sa puso ko si Dave kaya hindi na pwedeng matanggal ito doon. Just the thought of still loving him in secret ay okay na ako. Magiging okay rin ako in time.
Sabay nang pag-let go kung iyon ay ang pagsisimula kong i-entertain ang panliligaw ni Raph. Yes,finally nanliligaw na siya sa akin. Nagkaroon na nang lakas ng loob ito para sabihing gusto daw niyang manligaw sa akin. Hindi ko na siya tinanggihan pa na ligawan ako. Raph is a good guy and I think deserving naman siyang bigyan ko siya nang chance sa akin. Hindi ko pa siya sinasagot pero may mutual understanding na kami at laganap na iyon sa buong school.
Nagsimula nang makagawian niya ang paghatid at sundo sa akin sa bahay at sa school. Binibigyan din niya ako nang mga flowers at chocolates. Minsan nahihiya na nga ako dahil sa sobrang effort na ginagawa niya para lang maipakita niya na seryoso siya sa akin. I'm fine with that. Libre naman siya at ganun din ako. Kaya lang I don't want to say YES to him kung hindi pa ako sigurado sa sarili kong feelings. Ayaw kong gamitin siyang kasangkapan para tuluyan ko nang makalimutan si Dave.
Nag tuloy-tuloy na rin ang communication namin nang bagong pamilya ko. Balita ni Tita Dianna sa akin na naka-schedule daw lumipad si Lola sa Amerika pagkatapos nang debut ko. Gusto nga ni Lola na isama ako kahit one week lang roon para makatuntong daw ako nang Amerika.
Sinabi kong pag-iisipan ko pa. Hindi naman tumutol si Mama nang tanungin ko siya about it. Katunayan,gusto niya ang ideyang sumama ako kina Lola para daw ay makapag-bonding kami ni Lola at bawiin ang ilang years na hindi namin pagkikita.
Naipahayag ko na rin kay Mama ang gusto ni Lola na mag debut ako sa Legazpi sa darating na birthday ko. Actually naka-schedule na nga akong pumunta doon pagkatapos nang sports fest namin. Sa huling pag-uusap namin ni Justin ay sinabi niyang susunduin daw niya ako rito sa Tarlac papuntang Legazpi kasi wala rin kasi itong klase nang araw na pupunta ako doon.
Masaya ako at sobra na ang closeness naming magpinsan. Justin is acting like my brother. Noong una nanibago ako pero ngayon ay napalagay na ang loob ko.My life is in place now. Everything is falling into place. At wala na akong mahihiling pa.And since, it's falling into place now,balak ko na ring sagutin si Raphael.
While I believe that everything fell into place,destiny keeps on playing with me nang maramdaman ko ang pag-vibrate nang phone. Tsineck ko iyon at tumambad sa akin ang pangalan ni Dave sa screen ko. He's calling. Two weeks after the party ngayon lang siya ulit nagparamdam. For what? Bakit ngayon lang?
Nanginig ang kamay kong pinindot ang accept button pero agad akong nagulat sa napaka-ingay na background niya. May naghihiyawan at nagtatawanan tapos may music pa. Nasa bar pa siya? Sinong kasama niya?
"Hello?" sabi ko. Pero wala pa ring sumasagot. "Hello,Dave?" ulit ko ulit pero wala pa rin.
"Forget her man. May girlfriend ka na." sabi nang nagsalita. Kilala ko yun boses iyon ni Justin. Si Dave ba ang kausap nito? Nasa bar sila?
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."