Chapter 44

9.3K 229 9
                                    

The most painful tears are not the ones that fall from your eyes and cover your face. It's the ones that fall from your heart and cover your soul. 

Naramdaman kong tumabi siya sa akin. 

"What are you doing here?" mahina kong sabi.

Narinig kong humugot siya nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita.

"I don't know.." aniya sa mahina ring tinig.

Muli ay nagsipatakan ang mga luha ko. I hate this. I hate how weak I am in front of him. Bakit pa siya nandito? Bakit pa siya nagpunta gayong may kasama na siyang iba?

Akma sana akong tatayo pero maagap niyang nahawakan ang kamay ko pero agad ko din iyong kinalas sa kanya. Nagbabalik sa aking utak ang magkahawak na kamay nila kanina nang Cindy na yun.

"Umalis ka na Dave." utos ko.

Kung sa ibang pagkakataon ay baka mayroon pa akong natitirang lakas para sundin ang sinisigaw nang puso ko. Pero gaya nang katawan at utak ko,pagod na pagod na rin ang puso ko.

Nakita kong tumayo na rin siya. Ang buong akala ko ay susundin niya ang utos ko pero nagulat na lang ako ang bigla niya akong yakapin at ikulong sa mga bisig niya.

"Let go,Dave!"

 Pagalit kong sigaw sabay tulak sa kanya pero nagmatigas siya kaya pinukpok ko ang dibdib niya.

'Let me go! I hate you! I hate you!" naiiyak ko nang sabi.

I am frustrated dahil hindi niya ako binibitawan.Hindi ko nakakaya ang lakas niya. Ang lakas niyang nagpapahina sa sistema ko. Tinatanggap lang niya ang mga hampas ko sa dibdib niya.

"I hate you.." tanging nasambit ko na lang. 

Nawalan na ako nang lakas na labanan pa siya sa halip ay umiyak na lang ako ang umiyak. He makes me weak and my heart likes how he is hugging me. Crazy heart.Damn!

Nang humupa na ako sa pag-iyak ay hindi pa rin niya ako pinakawalan. Nang marealize kong masyado na akong nadala nang emosyon ko ay buong lakas ko siyang itinulak pero bigo pa rin ako. Sa halip ay kinulong niya ang mukha ko saka hinalikan ang labi ko.

Nagulat ako sa ginawa niya at pinagsasapak ko siya sa dibdib niya,sa mga braso niya. Pero yung mga labi namin ay parang magnet lang na hindi mapaghiwalay. Ang halik niya ay marubdob. Puno nang pangungulila. Puno nang pananabik. Puno nang galit.

How could still he do this? May iba na siya. Ano ako? Ano ako para sa kanya? At ano si Cindy sa buhay niya?

"I miss you. I fucking miss you." sabi niya sa gitna nang halikan namin.

"Dave.." anas ko na pilit iniiwas ang labi ko sa kanya pero matigas pa rin siya. Mapusok.

"I.Am.Still.Damn.Inlove.with.you."

Doon na muling nabuhay lahat nang hinanakit ko sa kanya kaya para akong nagkaroon nang superpowers na kumawala sa kanya. At nagawa ko pang ipalagapak ang palad ko sa pisngi niya.

"I don't believe you!.Kung mahal mo ako,pinakinggan mo lahat nang sinabi ko." halos di ko na maituloy ang sinasabi ko dahil sa sobrang sakit habang sinasabi ko iyon. "Kung mahal mo ako,hindi mo hinayaang marinig ko ang paglalampungan niyo nang babae mo. Kung mahal mo ako hindi ka maghahanap nang iba. Kung mahal mo ako, ako at ako lang ang paniniwalaan mo." sabi ko sa kanya habang halos walang lakas kong hinahampas ang dibdib niya.

Hindi niya ako pinigilan na gawin yun. Sa halip ay tinanggap lang niya ulit ang lahat nang galit ko. Nakita kong umiiyak na rin siya.

"Mahal na mahal kita Dave alam mo ba yun? Mahal na mahal kita na hindi ko na alam kung paano ka tatanggalin sa sistema ko! Mahal na mahal kita pero ang sakit-sakit na nang ginagawa mo!"

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon