Chapter 11

12.3K 285 4
                                    

"Hindi mo ba kikilalanin ang bagong flavor of the month ng ex-boyfriend mo,Hillary?


Hindi maalis sa isipan ko hanggang ngayon ang sinabi ng Bret ng yun. Mas lalo pang nadagdagan ang curiosity ko kay Dave. Sino ba si Hillary sa buhay ni Dave? 

Nang makaalis na ang mga ito ay hindi na muli pang nagsalita si Dave. Ni hindi niya na ako tinapunan ng tingin. Hanggang matapos kaming kumain ni hindi niya ako kinausap. Sa sasakyan naman ay namutawi ang nakakabinging katahimikan sa amin.

Nang makarating kami sa napakalaking bahay ng mga Araneta  ay hindi ko na nakita pa si Dave. May naramdaman akong panghihinayang ng hindi ito ang naghatid sa akin pauwi. Gusto ko sanang magtanong kay Nicole tungkol kay Hillary pero ayokong isipin niyang interesado ako sa kuya niya. Hindi dapat iyon. Kaibigan ko siya. At ayokong isipin niyang nakikipagkaibigan ako sa kanya para lang akitin ang kuya niya. Habang nag group study kami kagabi ay wala ni isa man ang pumasok sa utak ko.

Naguguluhan ako sa mga inaakto ni Dave. Masyadong mabilis ang lahat.Flavor of the month? Ano yun? Bagong fling? Bagong paglalaruan? Bagong babaeng sasaktan? Dahil ba bago ako sa eskwelahan nila ay nakikipgalapit siya sa akin?Mukha ba akong madaling maloko? O sadyang curious lang siya sa akin? Alin sa mga ito? 

Ilang gabi na ding hindi ako pinatulog nang mag-flash back sa utak ko ang paghalik niya sa akin sa soccer field.

Asan na yung prinsipyo mo Azalea? Nag-aaral ka para matupad mo ang iyong pangarap hindi para maglandi? sigaw ng isang parte ng utak ko. Isa lang ang solusyon ko sa mga ito. 

Kaya nang dumating ang araw ng lunes ay sinigurado kong panindigan ang aking pasyang umiwas na sa grupo nila. Papasok pa lang ako ng gate ay nakita kong kararating lang nila Benj at Chesca. Ngumiti ang mga ito sa akin pero hinidi ko iyon ginantihan. I know I was being rude. But I have to do it. 

Sa classroom naman ay pinilit ko ang lalaking kaklase ko na mag-exchange kami ng upuan. Pinili kong makitabi sa mga kaparehas kong scholar. 

Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Nicole nang gawin ko yun. Si Chesca naman ay halatang bad trip na din. Pero binalewala ko lahat ng iyon. I want to stick with my decision. 

"Sama ka ba sa aming mag-lunch,Lea?" tanong sa akin ng katabi kong si Jasmine nang makalabas na ang aming prof.

Napalingon sa gawi namin sina Chesca at Nicole. Tumingin sila na para bang naghihintay sa sasabihin ko.

"O-oo..."tango ko.

Tumayo si Nicole at padarag na lumabas ng classroom kasunod si Chesca."I can't believe this!" 

May naramdaman akong kirot sa aking dibdib. Gusto kong mapaiyak. Alam kong galit sila sa ginagawa kong pag-iwas sa kanila. 

I'm sorry Nicole. I'm sorry Chesca. bulalas ko sa sarili.

"Tara na,Lea." untag sa akin ni Allysa.

At nagsitayuan na kami sa aming mga upuan. 

Sa canteen naman ay agad na napa sa akin ang mga titig ng grupo. Una kong nakita si Cody at Wilford na kumaway pa sa akin. Si Benj naman ay nginisihan ako. Si Justin na mataman akong tinitignan. Sina Nicole at Chesca na nagbubulungan at si Dave na katabi ulit si Martina. Si Martina na nakairap sa akin ng makita ako. Nakita ko kung paano magtaka ang mga mukha nina Benj nang hindi ako lumapit sa table nila. Sa halip ay naupo kami nina Allysa at Jasmine sa katapat ng table nila. Pinili ko ang upuan kung saan nakatalikod ako sa kanila.

Si Jasmine ang unang nagsalita sa amin."Hindi ka ba lalapit sa kanila,Lea?"nguso nito sa gawi nila Dave.

Umiling lang ako. Alam kong nagtataka ang mga ito sa biglaan kong pagsama sa kanila. May isang bahagi sa akin na nakokonsensya sa biglaan kong pagbabago.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon