Chapter 15

12K 295 3
                                    

Umikot ang aking paningin. Unti-unti ring bumigay ang aking mga nangangatog na tuhod. Alam na kong babagsak na ako sa sahig. Kaya pumikit na lang ako.

"Azalea!.."

Narinig kong may tumawag sa aking pangalan pero hindi ko na nakilala ito dahil tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

Pakiramdam niya ay galing siya sa napakahabang pagtulog. May mga boses siyang naririnig sa kanyang paligid. Gusto niyang magmulat ng mata pero hindi niya magawa. Ginalaw niya ang kanyang kamay at sinikap na labanan ang pwersang humuhugot sa kanyang lakas para patuloy lang na sumara ang kanyang mga mata.

Nang magmulat siya ay puting kisame agad ang nakita niya. Ang huli niyang naalala ay ang eksena nila ni Martina na sinasabunutan siya nito pagkatapos ay unti-unti na itong naglaho sa paningin niya. Nasaan ako?

Nagtangka siyang bumangon pero napangiwi siya ng maramdaman ang kirot sa kanyang ulo pati na nang kanyang buong katawan.

"Reyal!" napalingon siya sa pinanggalingan ng boses ng lalaki.

Nagulat siya ng daluhan siya ni Kevin. Anong ginagawa nito dito? At bakit siya nasa clinic?

"Are you okay? May masakit ba sayo?" tanong nito sa kanya.

Nakita niya ang concern sa mga mata nito.Wala na ang coldness sa mga mata nitong nakita niya kahapon.

"A-anong nangyari? Bakit ako nandito?" mahinang sabi niya.

Pumormal ang anyo nito."Nawalan ka ng malay kanina kaya dinala kita rito sa clinic."

"Sa-salamat."

Pinagmasdan niyang mabuti ang lalaking nasa harap niya. Naka-white top ito at naka-jersey shorts. Magkasing laki ang katawan nito at si Dave. May aura rin itong katulad ni Dave.

"O gising ka na pala,Azalea."

Nakita kong pumasok ang nurse. May dala itong betadine at band aid sa mga kamay.

"Gagamutin ko lang yang mga sugat mo sa braso at pwede ka ng umuwi." ani ng Nurse.

Sugat? Sa braso? Napatingin siya sa mga braso niya. Nagulat siya ng makita ang mga mamumulang kalmot sa kanyang mga braso. Medyo marami iyon. Ngayon lang niya napagtanto ang epekto ng dulot ng pagdulog sa kanya ng grupo ni Martina.

"Ako na ang gagamot." aning Kevin.

Umangat uli ang tingin niya dito. Ang nurse naman ay natigilan sandali pero kalaunan ay binigay nito ang betadine at band aid kay Kevin saka lumabas ng kwarto.

Lumapit si Kevin sa kanya at umupo sa tabi niya. Kumuha ito ng bulak at nilagyan ng betadine. Kinuha nito ang isang brasong may sugat doon.Bigla ay nakaramdam siya ng mga dagang nagtatakbuhan sa tiyan niya.

"Why are you letting them do this to you?"sabi nito habang pinapahiran ang bawat kalmot na naroroon sa braso niya.

Walang maapuhap na sagot si Azalea sa mga oras na yun. Bakit nga ba?

Tumindig ang balahibo niya ng hipan nito ang sugat niya saka nilagyan ng band-aid.

"Dahil ba kay Dave kaya nagtitiis ka sa mga pambubully sayo ni Martina?" matigas ang boses niya pagkasabi nito."You don't deserve to be treated this way". hinalikan nito ang kamay niya.

Marahas na binawi niya sa pagkakahawak nito ang kamay. Naasiwa siya sa ginawa nito. Hindi ito dapat. Si Dave. May Dave na siya.

Biglang tumayo si Kevin humarap sa kanya.

Huminga siya ng malalim.

"Kevin,salamat ulit." mahinang sabi niya.

Kahit papaano'y na-appreciate niya ang ginawang pagtulong nito sa kanya. Hindi niya ini-expect na magpapakita pa ito ng kabutihan sa kanya pagkatapos ng nangyari kahapon.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon