Para kay Dave nothing hurts more than knowing that the woman you love is fighting for her life and yet can't do anything about it and just be helpless. Pakiramdam niya ay unti-unti na siyang nawawalan ng lakas sa bawat segundong nagdaraan habang hinihintay ang paglabas ng doktor sa emergency room kung saan kasalukuyang ginagamot ang pinakamamahal niyang si Azalea.
Kanina lang ay nakausap pa niya ito habang nasa dress shop at sinusukat ang gown nito para sa kasal nila. Ngayon ay hindi siya nakapaniwalang sa isang iglap lang ay naputulan siya ng pakpak.
Nasa condo na sila kanina ni Alexis at hinihintay na lang nila si Azalea'ng umuwi. Minutes turned to hours of waiting at na nakatulugan na lang ng anak nila ang paghihintay,walang Azalea'ng dumating.
Sinubukan niyang tawagan ito sa cellphone at hindi ito sumasagot kaya nagsimula na siyang mag-worry. Azalea never fails to come home early except kung may importante itong ginagawa sa office o dili kaya'y may dinaanan lang ito kaya nalate ng uwi.
Tinawagan niya ang kapatid na si Nicole to check if she was with her pero ang sabi nito ay huli nitong nakausap si Azalea nang papaalis na daw itong mall.
He was dumbfounded nang nakatanggap siya ng tawag galing sa police kung saan ibinalita nito ang pagkaka-aksidente ni Azalea.
Halos gumuho ang mundo niya ng malaman ang nangyaring pagbangga ng truck sa SUV kung saan sakay ang babaeng pinakamamahal niya. Nalaman pa niyang nawalan daw ng kontrol ang truck at sumalpok sa sasakyan ni Azalea.
Mabilis niyang tinawagan ang kapatid at hinayaan niyang bantayan muna nito si Alexis at halos paliparin na niya ang sasakyan niya papuntang hospital.
"Dave!"
Nakita niya ang papalapit na mga kaibigan niyang sina Justin at Benj.
Agad siyang niyakap ni Justin at doon ay binuhos niya ang luhang kanina pa nagsipatakan.
"Wala pa bang balita?" buong pag-aalalang tanong ni Benj nang nakaupo na sila sa bench na malapit sa E.R.
Tumango lang siya.
"Natawagan ko na si Mama at si Tita Lea. Bukas ay luluwas daw sila rito." ani Justin.
Pero parang wala lang naririnig si Dave dahil ang tanging laman ng isip niya ngayon ay si Azalea na nakikipaglaban sa buhay niya.
How am I supposed to live without you baby?usal niya sa sarili.
Tahimik lang silang naghihintay ng ilang oras bago pa lumabas ang doktor.
Agad niyang nilapitan ang doktor.Bakas pa sa gown nito ang mga dugo na mas lalong ikipinanghina niya.
"Doc,how's my wife?" nanghahapo niyang tanong.
Umiling-iling lang ang doctor na para bang dala nito ay masamang balita.
"Your wife is still unconscious,Mr.Araneta.She lost a lot of blood and right now patuloy pa rin siyang ginagamot sa loob dahil nakita naming may bleeding sa ulo niya."
Napahilamos ng mukha si Dave at dahil sa sobrang emosyon niya ay nasuntok niya ang dingding.
"Dave,pare.." awat agad sa kanya ni Benj.
"Doc,what's the chance for survival?" nanghihinang sabi ni Justin.
"I can't tell you yet,gentlemen. Lumabas lang ako para sabihin sa inyong the patient is really in not good condition."sabi ng doktor saka pumasok ulit sa loob ng emergency room.
"Dave.."hinawakan ni Justin ang magkabilang balikat ni Dave at pinaupo ulit ito.
"Just,how am I supposed to live without her?" naiiyak niyang sabi.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."