Akala ko ay wala nang mas kakakaba pa sa nararamdaman ko ngayon habang naghihintay na tawagin ng nurse ang pangalan.
Andito ako ngayon sa isang private clinic kung saan nagpa-schedule para matignan ng isang OB gyne.
Kinuha na kanina ng nurse ang vital signs ko,nasubmit ko na din yung urine ko para ma-test daw nila. Since first time ko ay hindi ko pa maiwasang mahiya sa mga nandito.
Tinapunan ko ng tingin ang mag-asawa nakaupo sa tapat ko. Medyo malaki na ang tiyan ng babae. Nakahilig siya ngayon sa balikat ng asawa niya. Naisip ko tuloy si Dave. Magiging ganito kaya kami ni Dave kung sinabihan ko siya? Pero pinangunahan na ako ng mga inhibisyong hindi maganda. Gulong-gulo na ang isip ko ngayon. I am scared. Totally scared.
"Ms. Azalea Imperial?"
Natawag ang pansin ko sa kakalabas lang na nurse na kumuha ng vitals ko kanina. Nakangiti siya sa akin habang nakatingin. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa sobrang kaba ko na.
Tumayo ako para lumapit sa kanya.
"Pumasok ka na sa loob. Dalhin mo itong papers mo at ibigay mo kay doktora." aniya at iniabot sa akin ang papel.
Tinanggap ko iyon at pumasok na kwarto kung saan naghihintay na raw ang doktora.
Gusto ko sanang magback-out nang tuluyan na akong nakapasok sa loob. Nanindig balahibo ko nang pasadahan ko nang tingin ang mga aparatus na nasa clinic niya. Kaharap ko na ngayon ang doktora at may binabasa lang siya sa papel na binigay ko sa kanya.
"So,gusto mo lang malaman kung buntis ka ,tama ba ako Ms. Imperial?"
Masusing tingin sa akin ng doktora.
"O-opo"
Muli ay may inilagay siya doon sa papel ko.
"Sinabi mo rito na two weeks delayed ka na and yung pagsusuka mo ay nangyari lang kagabi at kaninang umaga?"
"Opo,doc."
"Hmmmm.."
Halos hindi ko na marinig ang sinasabi ng doctor dahil sa lakas ng pintig ng puso ko.
"According to your urine test,it shows na buntis ka nga buntis ka nga,Ms. Imperial. And sa pregnancy test mo naman,it showed two lines which also signified that you are positive."
Halos mabingi ako sa sinabi ng kaharap ko. Kinuyom ko ang kamao ko para kalmahin ang sarili ko.
"Now,can you lay down on that bed para matignan natin kung ilang weeks ka na ngang buntis."
Wala na ako sa sariling sumunod na lang sa inuutos ng doktora. Pinahiga niya ako sa isang bed kung saan nilagyan niya ng gel yung tiyan ko. May kinuha din siyang aparato kung saan hindi ko alam ang tawag doon at pinapasada niya sa abdominal area ko.
Namalayan ko na lang ang palihim na pag-agos ng luha ko.
"Hmmm you are indeed two weeks pregnant."
Hindi ko na masyadong nasundan lahat ng pinaggagawa ng doktora dahil rumagasa na ang emosyon sa puso ko.
Paano na? Sasabihin ko ba ito kay Dave? Pero kung sasabihin ko sa kanya he will be oblige na panagutan ako kahit alam kong pareho pa kaming hindi handa.
"Bibigyan kita ng reseta para inumin mo sa araw-araw. Mga vitamins ito na makakatulong sa pagbubuntis mo.You need to take extra care,Iha dahil this stage ay mahina pa ang kapit ng bata.Hindi pa natin maririnig ang heart beat dahi it will occur from 8 to 10 or 12 weeks of your pregnany. I want you to come back here after a month para macheck kita ulit." aniya at habang nagsusulat sa papel. "By the way,wala ka bang kasama? Nasaan ang father ng baby mo?"
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."