Sa Misibis Bay yung outing namin. And sabi nila ay maganda daw yung resort at sikat daw yun. Hindi lang ako ang first time na makakapunta roon pati na rin sina Jasmine at Alyssa but I'm surprised that Chesca and Nicole too haven't been there. Ang sabi nila usually pagnagbabakasyon daw sila is either sa ibang bansa or away from the town. Oh well,the perks of being a rich kid.
"Aalis na po kami,La,Ma." paalam ko kina Lola at Mama sabay halik sa pisngi nila.
Gising na kasi ang mga ito nang dumating ang barkada. Sina Justin at Dave naman ay nagtulungan para ipasok yung mga gamit namin sa sasakyan ni Dave.
"Ingat kayo roon." bilin pa sa amin ni Lola.
Nakasakay sa sasakyan ni Benj sina Jasmine,Wilford,Alyssa,Cody at Chesca. Habang sa sasakyan naman ni Dave ay kami nina Nicole at Justin.
"Halika Lea,tabi tayo." sabi ni Nicole na hinila na agad ako sa papasok nang sasakyan.
Nakita ko ang pagbusangot ni Dave. Gusto kasi nito ay sa front seat ako maupo. Si Justin naman ay madilim rin ang mukha.
"Hayaan mo sila.." bulong sa akin ni Nicole.
Si Dave ang nag-drive at nasa front seat naman si Justin. Nakasunod kami sa sasakyan ni Benj.
"Ilang oras yung biyahe?" tanong ko kay Nicole.
Humilig siya sa balikat ko. "2 hours yata."
"Sabi ni Chesca daan daw tayong grocery store para bumili nang snacks." ani Justin.
Minsan ay napapatingin ako sa matipunong likod ni Dave. Kita ko pa kung paano magsigalawan ang mga muscles niya sa braso everytime hahawakan niya ang manibela at ang gear. Jusko! Namamanyak na yata ako nang bonggang-bongga sa kanya.
"Like what you see baby?"
Namilog pa ang mga mata ko nang makita kong nakatingin rin pala siya sa akin sa salamin niya.Pakiramdam ko tuloy ay kasing pula nang kamatis ang pisngi ko.
Si Justin naman ay natawa.
"Will you two stop flirting? Kanina ko pa napapansin yang mga mata niyong nagse-sex."
Diretsong sabi ni Nicole na nagpahalakhak nang husto kina Dave at Justin. Ako naman ay napatakip nang mukha sa kahihiyan. Ganun ba ka-obvious yung sexual tension namin ni Dave? Na pati mga kaibigan namin ay pansin na pansin rin iyon?
Nang lumiko ang sasakyan ni Benj sa kabilang kalsada ay lumiko rin si Dave. Ilang minuto pa'y huminto ito sa grocery store na nadaanan namin. Lumabas mula sasakyan sina Chesca.
"Let's go.." tapik ni Nicole sa legs ko.
Sumunod ako sa kanya at lumabas na kami nang sasakyan. Naramdaman ko agad ang paglapit ni Dave sa akin at inilagay niya ulit sa aking baywang ang kamay niya. Territorial Dave.
Pumasok kami sa convenience store at kumuha nang mga snacks and beverages. Tatlong malalaking bag ang dala namin paglabas nang convenience store. Sina Wilford na ang nagbitbit nang mga iyon at nilagay sa likod nang sasakyan ni Benj.
"O sinong gusto nang ice cream?" anunsyo ni Justin habang itinaas ang supot sa kamay niyang may lamang mga magnum ice creams.
"Eh di kami!" halos sabay sabay na sabi namin.
Nagsipagkuha kami ang ice cream. Si Dave na ang kumuha para sa akin. Binuksan niya pa ito bago binigay sa akin. Nakita kong hindi siya kumuha nang sa kanya kaya nagtaka ako.
"Nasaan yung sayo?" usisa ko sa kanya nang makalapit na kami sa sasakyan.
"I want to share with you.." simpleng sabi lang niya.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."