After that incident sa office ni Dave ay hindi na talaga ako pumayag na makipag-meeting pa kay Dave kahit anong pilit at palusot ni Justin. As much as possible ay iiwasan ko siya.
Malapit na ang second anniversary ng hotel at malapit na rin ang expansion na gagawin ni Dave sa pool area ng hotel.
Naging busy na ako sa pag-aasikaso para sa gaganaping anniversary party. Minsan ay sa hating gabi na ako nakakauwi sa bahay dahilan upang pagdating ko ay tulog na si Alexis at paggising ko naman ay wala na siya at nasa school na. Sometimes I couldn't helped it but feel sorry for my son dahil nababawasan na ang time ko sa kanya.
Gaya na lang ngayon,andito pa din ako sa office at pina-finalize ang lahat ng tungkol sa anniversary celebration. Buti na lang ay na0submit na lahat ng inputs na kailangan ko para ma-finalize na ito.
Sa totoo lang ay pagod na ako at gusto nang pumikit ng mga mata ko. Dinial ko ang phone para tawagan ang nasa front desk. Magpapabili lang ako nang coffee sa may malapit na starbucks.
"Hi,can you pick up a coffee Americano from starbucks?And kindly send it to my office. Thank you!"
Pinagpatuloy ko na ulit ang pagtipa sa computer ko. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng office ko at dahil alam kung ang coffee ko na yun ay hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino ang pumasok.
Naramdaman ko ang paglapag ng coffee sa harapan ko pero napatda ako nang makitang si Dave pala ang nasa harapan ko. He looked so tired and para bang wala pa siyang tulog.
"Wha-what are you doing here?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Bringing you your coffee?" papilosopong sagot niya.
Umirap ako sa kanya."Thanks?" at saka ininom na ang kape.
"Why are you working until this late?" aniya.
Napatingin ulit ako sa kanya. "What are you doing here in my office this late?"ganti ko sa kanya.
"I don't know." matipid niyang sabi.
At bakit alam nitong andito pa siya sa office? Naging stalker na ba ito?
"Anong ginagawa mo dito?" mahina kong sabi.
There's no sense kung patuloy ko siyang tatarayan. Nakakapagod din kasi minsan.
"I just came here to apologize from what happened in my office last week." sambit niya.
Napatigil ako sa pag-inom at nilapag ang kape sa harap ko. Nakita kong nakatayo lang pala siya.
"Umupo ka." utos ko sa kanya at itinuro ko ang sofa sa gilid ng office ko.
Sumunod naman siya at umupo sa may sofa.Tahimik lang siya pero alam kong nakatingin pa rin siya sa akin.
Oh Dave! Stop that will you?
Tsineck ko ulit ang computer ko at sinave ang files ko kanina. Nag-log out ako saka tumayo at umupo sa tabi niya.
"I'm sorry din sa inakto ko doon sa office mo.."mahina kong sabi.
Muli ay namayani ang katahimikan sa amin.
Pinagsiklop niya ang mga kamay niya at halos lumuwa ang mata ko pagkakita sa relong nasa bisig niya.
That's the watch that I gave him on his birthday 5 years ago! Shit! Matindi ang pagbubunyi ng puso ko.
"Until now I couldn't find the exact reason why you left me,Azalea." napapailing niyang sabi sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya pero kita ko ang sakit na nadarama niya.
"What went wrong between us baby.."madamdamin niyang sabi sa akin.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."