Chapter 28

10K 269 3
                                    

Dahil nangatog pa ang mga tuhod ko nang mga sandaling iyon ay nilagok ko ang isang shot na nasa table namin. Napangiwi pa ako nang tumama ang alcohol sa lalamunan ko. After five months ngayon lang ulit ako uminom kaya para bang nanibago ang lalamunan ko. Agad na nag-init ang katawan ko dala marahil sa epekto nang inuming iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa kasi kanina ko pa ito naramdamang nag-vibrate. Nang-i-unclok ko iyon ay nakita kong may mga messages at 5 missed calls na ako galing kay Justin at isang missed call na galing sa isang unregistered number. Inuna ko muna ang messages ni Justin.

Justin: Lea,he is watching you and Raph.

Napalunok ako. Anong ibig niyang sabihin.

Justin: Lea,his fuming mad right now. Umalis ka na dyan sa dance floor!

Binalot ako nang kaba sa mga texts niya. Sinunod kong i-open ang message na galing sa hindi pamilyar na number sa akin.

Unknown Number: Get that fuckers hands on you right now or else I'm gonna break his neck!

Unknown Number: Do you want me to go down there and knock the hell out of that guy or aalis ka na dyan! 

Unknown Number: You won't like it if I'm gonna punch that fuckers' face infront of everyone right now! Put your shit together and stay away from him!

Unknown Number: Do you really want me to drag you out away from him?

These messages were from him. He was watching me all the time. Hindi na magkamayaw ang mga paru-paro sa tiyan ko.

Unknown Number: Please baby..you hurt me enough. Stop hurting me more... :(

Unknown Number: I am mad..very mad at you. Why are you letting someone's hand touched you ?

Unknown Number: Baby... :(

I am still his baby. He still call me that endearment.Hindi ko na napigilan ang traydor na pag-agos nang mga luha ko sa galak. Dave never fail to bring out this side of me. Ang maging vulnerable kahit sa simpleng mga ginagawa niya. Dali-dali ko iyong pinunasan.He still cares for me I know it. He cares for me coz if not he wouldn't say such things. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti.

Baliw na ba ako? O gino-good time lang ako ni Dave. Is he doing this para makaganti sa akin?

Napaigtad ako nang mag-virbrate muli ang cellphone ko. Galing ulit sa kanya.

Unknown Number: Stop crying. It hurts me more to see you cry....:(

Tumingin ulit ako sa table nila. Wala na ang mga ito sa railings. Nakatingin lang ulit ako sa kawalan. Tama ba ang sinasabi nang puso ko nang may nararamdaman pa sa akin si Dave dahil sa mga sinasabi niyang ito? Pero sinaktan ko siya papano kung gumaganti lang siya sa akin? Paano kung ginagawa niya lang ito para umasa ako sa bandang huli ay ako rin pala sa masaktan? Tama bang umasa pa ako?May Xenia na siya.

"Lea, uwi na tayo. Remember may drill pa tayo bukas.." ani Cristine nang bumalik na sila sa table namin.

"O-Okay.." sambit ko na lang.

Pasensya na,wala na talaga dito ang utak ko. I didn't know that seeing him again would cause me more confusion.

And si Raphael.. isn't it unfair for him? Though di niya pa ako nililigawan pero kahit sino ay mararamdaman na may gusto siya sa akin. Hindi naman ako ganun ka manhid para hindi ko maramdaman ang mga kilos at pananalita niya.

Lumapit sa akin si Raphael pero agad akong tumayo para hindi na kami magtabi sa pagkakaupo.Naaninag ko na ang mga nasa table nina Justin. Nag-iinuman pa rin ang mga ito. Pero ang ikinatulos ko sa kinatatayuan ay ang makita si Xenia nang kabigin niya si Dave at halikan ito sa labi. Para akong tinarakan nang punyal. Bagama't nakita ko ang pagtulak ni Dave kay Xenia pero hindi pa rin iyon dahilan upang hindi ako masaktan. Di ko nakayang tingnan pa sila kaya agad akong nag-iwas nang tingin.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon