Matapos sa kanyang trabaho ay maaga kaming umalis ni Dave para mag-dinner. Dinala niya ako sa restaurant kung saan very solemn ang ambience at halatang mamahalin. Nag-pareserve na pala siya dito kaya naman pala nang igiya kami nang waiter sa table ay may naka-prepare nang isang bouquet ng red roses.
Nang iwan na kami nang waiter ay agad na lumapit si Dave sa table at kinuha ang bouquet at saka lumapit ulit sa kinatatayuan ko at inabot sa akin ang roses.
"For you baby.." sabay lahad nang bouquet at saka hinalikan ako sa lips.
"Thank you babe.."
Tinanggap ko iyon at umupo na sa upuang kanyang hinanda para sa akin.
"Did you prepare all these?" tanong ko agad sa kanya.
"Yes. It's our very first romantic date baby..." sabi niya at hinawakan ang kamay ko na nasa mesa.
May mas sweet pa ba kay Dave? Lampas langit na talaga ang pagmamahal ko sa kanya. But then we both know na panandalian lang ang ganito. First romantic date namin pero hindi ko alam kung kailan masusundan.
Nang dumating na ang order namin ay todo asikaso si Dave sa akin. Di ko tuloy maiwasang makaramdam nang hiya sa waiter na nanuod sa amin kanina.
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa gwapong mukha nang mahal ko. Sobra ko siyang mamimiss. Ngayon pa lang ay umiiyak na ang puso ko sa lungkot.
Pagkatapos naming kumain ay agad kaming umalis ni Dave. Nasa gitna kami nang biyahe nang tawagan kami ni Cody.
"Cody.." ani Dave.
Ini-on ko ang speaker ng phone ni Dave para pareho naming marinig ang nasa kabilang linya.
"Dave,magkasama ba kayo ni Lea?"
"Oo.Bakit? Papunta na kami sa bahay nila."
"Nagyayaya sina Chesca kung pwede daw ba na mag bar hopping sila ni Lea."
Tumingin muna si Dave sa akin at ako na ang nagsalita.
"Hello Cody. Oo naman. Uuwi lang ako saglit sa bahay para makapagbihis.Saang bar?"
Nakita kong diretso na ang tingin ni Dave sa kalsada. Sinabi ni Cody ang pangalan nang bar at saka pinutol na ang tawag.
Nang nakarating na kami sa bahay ay nadatnan namin si Tita sa sala.
"Good evening Tita." bati ni Dave kay Tita sabay halik sa pisngi nito.
"Tita.." ani ko at hinalikan din siya sa pisngi. "Babe,dito ka muna magbibihis lang ako." baling ko kay Dave. "Tita,akyat lang po ako sa taas. Si Justin po?"
"Kakaalis lang.Susunduin daw si Nicole sa bahay niyo Dave. Magba-bar daw kayo ngayon?"
"Opo,Tita.
Pinili kong magsuot nang off shoulder blouse na pinarisan ko nang jean short na hanggang sa kalahating hita. Binagayan ko rin iyon nang open toe platform wedge. Pagkatapos mailagay sa bag ko ang cellphone at wallet ay agad akong bumaba at naabutan ko pang nag-uusap si Tita at Dave nang seryoso.
Agad na tumama ang mga mata ni Dave sa akin nang makababa ako nang hagdan. Bigla pa akong kinabahan nang makita ang tingin niyang puno nang paghanga pero nginitian ko na lang siya.
"Alis na po kami,Tita."
Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago kami umalis. Nagpaalam rin si Dave sa kanya.
Nang makalabas kami nang bahay ay agad na kinulong ni Dave ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa sasakyan niya.
"Daan muna tayo sa bahay magbibihis lang ako." sabi niya saka pinaandar ang sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."