"Lea,may tawag ka. Don Arturo Castillo University daw!"
Bigla akong napabalikwas nang bangon nang marinig ko ang tawag ni Aling Agatha mula sa baba. Muntik na akong magkandahulog sa hagdan dahil sa pagmamadali. Agad kong kinuha ang telepono.
"He-hello?" nininerbyos kong sabi.
"Hi! Good Morning! This is Mrs. Adele Chua from DAC University. I would like to speak with Ms. Azalea Reyal." wika ng babae sa kabilang linya.
Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi dahil sa kaba.
"Good Morning po! Si Azalea nga po ito." sagot ko naman.
"Hi Ms. Reyal. I received and reviewed your application for the scholarship and are you available for an interview today?" tanong nito sa akin.
"O-Opo."
"Alright. Can you come here at the University at 9 in the morning today?"
"Yes po." saad ko.
Sinulyapan ko sina Mama at Aling Agatha na kasalukuyang nanunuod lang din sa akin. Bakas sa kanilang mukha ang saya.
"Just look for me at the registrars office. Tell the guard that you are here for an interview and for an exam,okay? Bye." paalam nito.
"Thank you po."
Binaba ko ang telepono at hindi ko na napigilang mapatalon sa tuwa.
"Ma! Ito na yun! Ito na yun!"
Niyakap ako ni Mama ng mahigpit.Naluha ako sa sobrang saya sa nalaman ko. Kung kagabi ay iyak ng iyak ang puso ko ngayon naman ay sobra itong nagdiriwang.
DON ARTURO CASTILLO UNIVERSITY
Tiningala ko ang signage na nakaukit sa itaas na bahagi ng malaking gate na nasa harapan ko ngayon. Ngayon lang ako nakapunta sa isa sa pinakamalaking eskwelahan sa bayan namin. Nilapitan ko ang guard na nakatayo sa tabi ng gate.
"Good Morning po,Manong. Saan po ang registrars office? Andito po ako para sa interview." sabi ko.
"Ah,pumasok ka lang dyan sa gate tapos dumiretso ka sa may pasilyo at lumiko ka sa kaliwa. Makikita mo doon ang building na may sign na Registrar's Office." sagot nito.
"Sige,salamat po."
Pumasok nga ako sa malaking gate. Bumulaga sa akin ang apat na malalaking building. Nasulyapan kong may iilan ng mga estudyante na nakaupo sa nakahilerang bench sa gilid ng mga buildings. Luminga-linga pa ako at binaybay ang pasilyo.
Napapayuko pa ako sa tuwing may mga nakakasalubong ako dahil sa bukod sa wala akong kakilala ay batid kong hindi ako akma sa lugar na ito. Halos lahat ng nakikita kong mga estudyante ay ang kadalasang nakikita ko telebisyon na may kaya. Muntik pa akong madapa nang mapako ang tingin ko sa kinaroroonan ng mga sa tingin ko'y sosyal na mga babae.
Nadaanan ko naman ang mga kumpulan ng mga lalaking maiingay sa pag-uusap. May iilan pang hindi ko maiwasang humanga dahil sa kagwapuhan.
Patuloy lang ako sa paglakad sa pasilyo. Kanina pa ako palinga-linga dahil medyo nalito ako kung saan ako dapat pumunta. Dahil sa pagkawili ko sa panunuod sa mga nasa paligid ko ay nakalimutan ko tuloy kung saan ako dapat magtungo. Napapamura na ako sa aking isip dahil sa sobrang inis ko sa sarili.
"Hi! Are you looking for someone?"
Napalingon ako ng marinig ang napakalambing na boses sa tagiliran ko. Tumambad sa akin ang isang maputi at magandang babae. Nakangiti siya sa akin kaya nakita ko ang isang dimples niya. Mayaman.Yun agad ang nasa isip ko.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."