Kinabukasan ay maaga akong sinundo ni Dave sa bahay. Naabutan pa niya si Tita na kakababa rin lang sa hagdanan.
"Good Morning,Tita!" ani Dave.
"O Dave,iho. Maaga ba kayong bibiyahe ni Lea papunta sa farm niyo?" tanong agad ni Tita pagkatapos nilang mag-beso ni Dave.
"Yes,Tita."
Hiniling ko kagabi ni Dave na iuwi niya akong ng maaga sa bahay kaya naman ay kinausap ko kagabi si Tita tungkol sa plano ni Dave na dalhin ako sa farm nila. Pumayag naman ito.
"O siya,take care of Lea,iho." ani Tita pero nakatingin siya sa akin.
Alam ko ang ibig niyang sabihin. I have to take care of myself dahil may iniingatan ako.
"Alis na po kami Tita." sabi ko kay Tita at niyakap ko na siya.
"Enjoy yourself,iha." bulong pa niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya at tumango.
Lumabas kami ni Dave na bitbit pa niya ang mga gamit ko saka nilagay iyon sa likod ng sasakyan niya. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako ng pinto gaya ng ginagawa niya lagi,sa halip ay pumasok na lang ako at sa loob na lang siya hinintay.
Nang nakapasok na si Dave ay agad niyang pinaandar ang sasakyan niya para tuluyan na kaming makalabas ng gate.
Kaninang umaga ay tinawagan ako ni Mama at sinabi niyang hihintayin niya akong makabalik galing sa farm at saka tutungo na kami sa Maynila.
Kahit pakiramdam ko'y may bagay na nakadagan sa dibdib ko ay pilit kong tinatagan ang loob ko. Hindi pwedeng mag-break down ako sa harap ni Dave. Ayokong malaman niya ang plano ko. I have to enjoy my last days with him.
"Baby..you are so quiet..." untag ni Dave sa akin.
Bumaling ako sa kanya at alam kong nakatingin siya sa ain kahit pa naka-shades siya. Ang gwapo lang talaga nito.
"You look unwell...sigurado ka bang okay ka lang? Di ka ba nakatulog masyado kagabi after kitang ihatid?"
"Okay lang ako babe..marami lang akong iniisip."
Kahit nakatuon ang mata niya sa kalsada ay hindi naman nito napigil ang usisain ako.
"Care to share?"
Kung pwede lang babe..kung pwede lang..
"Iniisip ko lang na malapit ka na palang gumaraduate babe..ilang months na lang.." pilit kong pinapasigla ang boses ko.
Nakita kong napangiti siya. "Yeah.. and I am excited too. "
Napalunok ako. Batid ko ang kasiyahan sa mukha niya.
"Saan ka nga pala mag-rereview?"
Agad niyang sinabi ang school kung saan siya mag-rereview. Sabi pa niya ay kasabay niya sina Justin,Cody,Benj at Wilford na mag-rereview.
"Buti naman kung ganon. Goodluck on that babe.."
"Alam mo baby,ang weird mo. Kung makapagsabi ka dyan ng goodluck para bang ang dating sa akin ay hindi kita makakasama during that time.." aniya.
Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana at doon ay pinagmasdan ko ang bawat nadaanan namin. Sinadya kong itagilid ang ulo ko para hindi niya makita ang mga luhang nagsisimula ng magsilabasan sa mata ko.Ang sakit-sakit ng puso ko.
Nakatulog siguro ako habang nasa biyahe namin dahil hindi ko namalayan ang pagdating namin sa parang ancestral house na hinintuan ng sasakyan ni Dave.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."