"Asan na ba sina Dave at Azalea? Kanina pa wala ang mga yun ah?" sabi ni Cody.
"May nangyari ba kay Azalea,Justin? At saka bakit kayo magkasama kanina? Bakit nasa kanya ang jacket mo?" di na napigilang tanong ni Checsca.
"Are you courting her?' tanong ni Wilford.
Si Nicole naman ay tahimik lang sa isang tabi.
"Guys,I'm just helping her. Nakita kong umiiyak siya kanina sa may pasilyo. I followed her sa CR at nakitang kung basang-basa siya kaya ko pinagamit sa kanya ang jacket ko." paliwanag ni Justin.
"She's bullied." seryosong sabi ni Nicole.
Natuon lahat ng atensyon ng mga kaibigan nila sa sinabi niya. Hindi na kailangan pang sabihin niya ulit iyon. Halata naman kanina ng makita niya ito. Nakita niyang galing ito sa pag-iyak. Ang pag-iwas ng tingin nito sa kanila. Ang takot na nakita niya sa mga mata nito kanina. At ang namumulang braso nito na unang nakaagaw ng pansin niya.
"If she's bullied,then we have to do something.." aning Chesca.
"But the thing is sino sa mga estudyante rito? I mean,sa dami ng mga babaeng gustong mapalapit sa atin,sino sa kanila?" sabi ni Benj.
"We'll ask her." wika ni Chesca.
"I doubt if Azalea's going to tell us." sabi ni Justin.
Sa classroom na nila naabutan si Azalea na ngayon ay nakaupo na sa kanyang assigned seat. Napangiti agad si Nicole ng makita niyang may bandage na ang braso nito.
"Hey are you okay now Azalea? Nahanap mo ba si Dave?" aning Chesca ng makalapit na sila.
"Oo.." sagot nito.
Nakita niya kung paano nag-blush ang bagong kaibigan.
Now this is gonna be fun! sabi niya sa sarili.
" I need your number Azalea para matawagan ka namin para bukas." wika ni Nicole.
Kumuha naman ito ng papel. May isinulat itong mga numero.Pagkatapos ay iniabot sa kanya ang papel.
"Where have you been dude?" tanong ni Benj nang makalapit na ito sa inuupuan ni Dave.
"Just outside..."walang ganang sagot ni Dave.
"Nagkita na ba kayo ni Azalea? Sinundan ka niya kanina noong nag-walk out ka sa canteen." wika naman ni Justin na tumabi na sa kanya sa pag-upo.
Nagsalubong ang kilay ni Dave ng marinig iyon kay Justin. Ewan ba niya pero naiinis siya nang banggitin nito ang pangalan ni Azalea. WTF? Bakit nagseselos siya sa bestfriend niya?
"Hoy,Dave,are you okay man? Kung makatitig ka kay Justin ay parang papatayin mo na siya ah?" pabirong sabi ni Cody na ngayon ay siniko ni Wilford.
"I took her to the clinic." Iritadong sabi niya.
Nagpalitan naman ng makahulugang tingin ang kanyang mga kaibigan.
"Hi Dave! Para sa 'yo nga pala." aning malambing na tinig galing sa tabi niya.
Napatingin siya sa nagsalita. Kumunot ang noo niya. Damn! Medyo chinita at maputi ito. Ngayon lang niya ito nakita. Ang mga kaibigan naman niya ay ngumingisi lang na pinagmamasdan sila. Maging ang mga kaklase ay napapalingon sa kanila.May hawak ang babae na chocolates.
Kinuha niya ang hawak nitong box ng chocolates. "Thanks." sabi niya.
Nakita niya kung paano namula ang mukha nito. Sanay na siya sa mga ganito. Kahit pa minsan ay naiirita na siya at nagsusuplado siya ay lumalapit pa rin ang mga babae sa kanya. Kumaripas palabas ng classroom nila ang babae. Ang mga babaeng kaklase niya ay halatang kinikilig at naiinggit.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."