"Dave" tawag ko sa kanya.
Inalis niya ang kanyang braso na nakatakip sa kanyang mga mata at lumingon sa akin. Umungol siya at kitang-kita ko ang pamumula ng mata niya halatang pagod siya.Hindi ba ito nakaidlip man lang?
Sinulyapan ko ang alarm clock na nasa bedside table nito,2:30 in the morning pa. Sumunod ang mata ko sa kanya habang dahan-dahang itong bumangon at tumayo. May dinampot siyang damit doon sa may kama. Nakatupi ang mga iyon. Lumapit siya sa akin at napahawak ako sa tuwalyang nakabalabal sa katawan ko.
Pakiramdam ko'y nanunuyo ang lalamunan ko at bigla akong nag-init na gusto ko ulit maligo.
"Magbihis ka muna. Lalabas lang ako para palabhan ang mga damit mo." aniya.
Kinuha ko ang damit sa kamay niya at siya naman ay pumasok sa banyo,maya-maya pa'y dala na niya ang gown na suot ko kanina. Mas lalo pa akong namula nangg marealize kong naroon din pala ang suot kong underwear.
Tumindig ang balahibo ko nang sumagi sa braso ko ang braso niya. Nagkatinginan kami pero agad na siyang nagbawi ng tingin at tuluyan ng lumabas sa kwarto.
Mabilis kong tinignan ang mga damit na binigay niya. Akala ko ay T-shirt niya iyon pero nagkamali ako. Isang spaghetti strap pala iyon na may katernong malambot na long pajama pants at may nakatupi pang malinis na underwear roon. Kanino 'to? Kay Nicole?
Nagdalawang isip pa ako. Nakakahiya kung kay Nicole nga ito. Baka kung ano pang isipin nang kaibigan ko.Baka isipin niyang may ginagawa kaming milagro ng kapatid niya.
Huminga muna ako bago isa-isang sinuot ang mga iyon. Pagkatapos ay pumasok ulit ako sa banyo para suklayin ang buhok ko. Wala na akong make-up,malinis na akong tingnan. Narinig ko mula roon ang pagbukas ng pinto. Si Dave na iyon. Kinabahan na naman ako. Bakit ba ganito ang epekto niya lagi sa akin?
Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay nakita ko ang pagkinang ng singsing sa aking kamay. Napahinto ako sa ginagawa ko at napatitig roon.
Binalot nang matinding lungkot ang puso ko. Last night was the best night of my life with him. Sandaling nawgalit sa isip ko ang katotohanang sa aming dalawa,ako pala ang bibitaw.
Naalala ko pa ang sinabi ni Justin kagabi. Dave is going to hate me for sure sa gagawin ko. I don't know how Justin knew about my plan pero wala na akong panahon para alam pa yun.Buo na ang pasya ko. I will leave not because I don't love him but because natatakot ako na maranasan ang naranasan ni Mama noon. I'm such a coward.
"Baby..are you okay in there?" napaigtad ako nang marinig ang mahinang katok niya sa pintuan ng banyo.
"O-oo..lalabas na ako.." muli ko munang pinasadahan nang tingin ang aking sarili sa salamin.
Pinihit ko ang door knob at lumabas na sa banyo. Nakita ko siyang nakaupo na sa may kama naghihintay sa akin.
"Come here.." aniya habang tinatapik ang lap niya.
Gusto niyang maupo ako sa lap niya. Parang may mga sariling isip ang paa ko nang sumunod ito sa utos niya.
Yumakap agad siya sa akin at inihilig ang kanyang ulo sa may leegan ko. Ang lapit-lapit na nang mukha niya sa dibdib ko.
"You smell so good.." sabi pa niya. Pinamulahanan ko yun. Pakiramdam ko'y lumabas ulit ang kaluluwa ko sa aking katawan.
"You look good on these pajama's...I'm glad na kasya pala sayo ang binili ko." napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
"I-ikaw ang bumili nito?" nauutal kong sabi.
Tumango-tango lang siya. Wow! Gusto kong matawa sana sa isiping si Dave ang bumili nito. Thats' unexpected.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."