Chapter 3

12.6K 275 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula noong interview ko sa DAC University. Limang araw na lang at magsisimula na ang pasukan kaya iwinaglit ko na ang pag-asang matatawagan pa nila ako. Sa bawat gabing nagdaan ay palihim akong umiiyak dahil sa pakiramdam ko ay ayaw makisama ng tadhana sa akin. Sina Mama at Aling Agatha ay di na rin nagtanong sa akin tungkol dito. Alam kong iniisip na din nilang nabigo ako. 

Sa halip na magmukmok ay bumalik ulit ako sa paglunod sa sarili ko sa pagtatrabaho. Pagkagaling ko sa trabaho sa bakery ay ganoon pa rin at tumutulong ako kay Aling Agatha sa tindahan nila. Kung day-off ko naman ay namamasyal kami ni Mama sa may malapit na park. Ganoon lagi ang routine namin. Minsan kapag may extra akong pera ay kumakain kami sa Jollibee. Sakto na sa aking makita si Mama na masaya kahit papaano.

"Anak.." malumanay na tawag sa akin ni Mama.

Natigil ako sa aking ginagawa at dinungaw ko siya sa may bintana. Nakita ko siyang natingala sa akin mula sa labas ng bahay hawak ang walis.

"Bakit po,Ma?" ani ko.

"Bumaba ka nga rito at may sasabihin ako sayo.."

Mabilis kong iniwan ang aking sketch pad sa higaan namin at lumabas ako ng kwarto para bumaba sa hagdan.

"Ano po yun,Ma?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Ilang buwan na lang at birthday mo na." wika niya.

Napaisip ako. Tama.Ilang buwan na lang at 18th birthday ko na.

"Gusto mo bang mag-debut?" tanong niya.

"Wag na po,Ma. Para sa akin po,parang normal na lang iyon na kaarawan.Ang importante po ay magkasama tayo. At nasa maayos na tayo ngayon." ngumiti ako sa kanya.

Nakita kong lumamlam ang mata ni Mama. Kahit di niya sabihin ay alam kong nalulungkot siya at naaalala na naman niya si Papa.

"Ma,wag na po kayong mag-isip okay? Okay lang po kahit di ako mag debut at walang handaan. Masaya na po na may nakakain at natitirhan tayo araw-araw." malambing kong sabi sa kanya.

Iniyakap ko ang aking mga bisig sa likuran ni Mama at inilagay ang aking ulo sa leeg niya.

"Mahal na mahal ko po kayo,Ma." sinsero ong sabi.

"Mahal na mahal din kita,anak."

Sa murang edad ko pa lang naranasan ko na ang hindi magandang bagay sa mundong ito. Mahirap pero nakayanan ko iyon. Mula noon,hindi ko na pinangarap ang mga mararangyang bagay,ang magkaroon ng engrandeng handaan pag birthday ko. Siguro naging praktikal na lang ang pananaw ko sa buhay. Kung meron,meron.Kung wala,wala. Sa gaya kong hikahos sa buhay,sapat na ang makakain ng dalawang beses o tatlo sa isang araw,makabili ng bago kahit isang beses sa isang buwan. Napagtanto kong ang pinakaimportante bagay ay wala sa rangya at halaga kundi kung ano ang nilalaman at kung paano mo pinahahalagahan kahit ang pinakamaliit na bagay sa mundong ito.


"Lea!!!!" matinis na sigaw sa akin ng kaibigan kong si Lotlot.

Kapitbahay namin si Lotlot. Unang salta pa lang namin dito ay agad ko na siyang nakagaanan ng loob dahil bukod sa magkaedad lang kami ay sadyang palakaibigan talaga ito.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Mama at hinarap siya.

"Hi po,Aling Lea!" bati nito kay Mama.

"O Lotlot napadalaw ka?" ani ni Mama.

"Binibisita ko lang po si Azalea bago ako tumulak papuntang Maynila." sagot nito.

Nag-aaral sa Maynila si Lotlot bilang caregiver. May ate kasi ito roon na siyang nagpapa-aral rito.

"Ganun ba,o siya maiwan ko na kayong dalawa." nagpaalam si Mama.

Naiwan naman kami ni Lotlot at naupo sa may tindahan ni Aling Agatha.

"O,ano na? Kailan ka luluwas ng Maynila?"panimula ko.

"Bukas ng gabi kasi alam mo na sa Lunes na yung simula ng pasukan namin." sabi pa niya.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil matatagalan pa ulit bago siya makauwi rito. Kahit pa sa maiksing panahon ay ito lang ang kanyang kaclose at naging totoong kaibigan.

"Gaga! wag ka ngang bumusangot dyan! Babalik pa naman ako no?" maarteng sabi nito. "At saka tatawag naman ako dito sa inyo para kumustahin ka,mag-iiwan din ako ng number ko para kung sakali ay makontak mo ako."

"Nakakamiss lang kasi ang kaingayan mo." biro ko.

"Ah ganun? Hoy Azalea Reyal kung di ka lang talaga maganda,matagal na kitang inaway at sinabunutan!" nakangising tudyo nito sa akin. "So ano na,natanggap ka ba sa inaplayan mong scholarship sa DACU?

Ngumuso ako saka umiling. Nakita ko naman ang pagbago ng ekspresyon ng mukha ni Lotlot.

"Okay lang yan Lea,ang isipin mo na lang na kung hindi pa ngayon baka bukas." pampalubag loob nitong wika sa akin.

"Okay na naman ako,Lotlot. Medyo tanggap ko na." mahinang sabi ko.

Biglang itong tumayo at hinigit ang kamay ko.

"Pasyal na nga lang tayo sa plaza baka sakaling makakita pa tayo ng ikakatuwa natin."yaya nito sa akin. "Aling Leah,alis lang po kami saglit ni Azalea. Babalik din po kami bago dumilim." malakas ang boses nitong tawag kay Mama.

"Oo sige basta wag kayong masyadong magpagabi." ani ni Mama na dumungaw pa sa may bintana ng kwarto namin.

"Opo,Ma."

At nagpatianod na ako sa hatak sa akin ni Lotlot.


Masyado kaming nalibang ni Lotlot sa paglilibot sa buong park. Kung anu-ano lang din ang aming mga napag-usapan.

Kinukwentuhan niya ako sa buhay eskwela niya sa Maynila. Mabait si Lotlot sa akin. Sa aming dalawa siya ang pinaka-maingay pero napaka-sweet niyang kaibigan. Sa tuwing nagbabakasyon siya ay hindi niya ako nakakalimutang dalhan nang mga pasalubong.

Matapos naming libutin ang park ay ginabi na kami nang uwi pero hindi naman nagalit si Mama at pinagsabihan lang niya akong mag-ingat pa rin sa pag-uwi nang gabi na dahil kahit pa mababait ang mga tao sa aming lugar ay mas mabuti na ang nag-iingat.

Naiintindihan ko naman kung bakit ganito ka-protective si Mama. Kami na lang kasing dalawa kaya siguro medyo mahigpit siya sa akin.






A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon