I don't know that leaving this time would be that hard. Inihatid ako ni Dave sa airport pero panay na ang tulo ng luha ko habang nasa daan pa lang kami. I will miss my friends. I will miss my family. I will miss Dave. Tahimik lang si Dave pero bakas sa mukha niya ang lungkot. Yung yakap niya kanina sa akin ay para bang last hug na namin yun.
Hindi muna siya umalis hangga't hindi niya nakitang tuluyan na akong nakapasok sa departure area. Pakiramdam ko'y ang bigat nang dinadala ko. I don't know what will happen. I don't know when kami ulit magkikita. I don't know kung makakaya ba ulit namin ang isang long distance relationship.
I went to over worked myself. Nagsimula na ang trabaho ko sa Marriott pero nag-apply pa rin ako nang isa pang part time job. Tapos sa umaga naman ay focus ako sa school. Simula nang nakabalik na ako sa New York ay walang araw na hindi kami nag-uusap ni Dave.
Busy siya sa school at trabaho niya. It's like our routine everyday to check on each other kahit minsan ay hindi magtama yung time namin pero we always make sure na magli-leave kami ng message either sa phone or sa fb.
Pareho rin kaming nagpalit nang cover photo sa accounts namin. Iisa lang ginamit namin. Yung pic na kasama yung mga kaibigan namin sa Maribago.
Tapos yung profile pic namin ay yung pic naming dalawa. Lahat ata nang fb friends namin ay alam na kami na ulit officially.
Si Philip at Stan ay naghiwalay two months after pagbalik ko. Nag-cheat kasi si Stan kaya tuloy super broken hearted si Philip.
Muntik pa nga kaming madisgrasya noong samahan ko siyang mag-clubbing.Dahil sa kalasingan niya ay muntik na kaming bumangga.
That was the last time na nakita ko si Philip. Hindi na siya nagpakita sa akin. Hinanap ko siya sa pamilya niya pero ang sabi nila ay kailangan lang daw ni Philip nang time.
I am just thankful na kahit na sa wakas ay alam na nila ang gender preference niya ay natanggap na nila si Philip kahit di man gaano pero hopefully tuloy-tuloy na.
Four months passed by. Parang andali lang nang panahon. Almost Christmas na rin ulit. As usual hindi ulit ako makakauwi. First time kong walang kasama sa pasko kaya pinili kong magtrabaho sa time na yun para maibsan ang lungkot ko.
Ang pamilya nina Dave ay nag out of town ulit. Sina Tita at Justin naman ay ganun din. Wala pa akong balita kung saan sina Jasmine at ang iba dahil mukhang busy din ang mga ito.
Napapangiti ako sa mga pictures na ina-upload ni Dave. Tapos may mga caption pa siyang alam kong para sa akin. Everyday walang mintis yung pagsasabi niya kung gaano niya ako kamahal. Ako na nga yata yung pinakamaswerteng babae sa balat nang lupa.
Si Mama naman ay hindi na kami ulit nagkausap mula noong nalaman kong nagpakasal siya nang hindi ko alam. At nalaman ko na lang na wala na pala siya sa Tarlac.
Alam mo yung feeling na na-left out ka at na-betrayed ka? Hindi ko akalain na sobra pala ang pagtatampo ni Mama sa akin nang nag desisyon akong umalis nang bansa. Ang buong akala ko ay suportado niya ako pero yun pala ay hindi.
Yung napangasawa niya ay foreigner, may kaya at mabait naman daw sabi ni Tita at divorcee daw. Hindi na ako nagtanong pa dahil nagtampo din ako kay Mama. Nasa Manila na daw sila naninirahan at nabenta na rin daw yung bahay namin sa Tarlac.Andami nang nangyari at hindi ko alam kung saan ko sisimulan pag nagkita na kami ni Mama.
Ilang buwan na lang at gagraduate na ako sa course ko. May 1 year pa sina Dave na dapat tapusin para gumraduate kaya buti na lang din na hindi ako nabuntis noong may nangyari sa amin. Hindi pa ako prepared at mas lalong ayokong pakasalan niya ako or magsama kami nang dahil lang may pananagutan siya sa akin. Gusto kong pareho na kaming may napatunayan bago namin pasukin ang pagpapakasal.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."