Habang nag-iimpake ako ay napapaisip pa rin ako sa mga posibilidad na maaring mangyari.
Justin: Anong ginagawa mo?
Basa ko sa text ni Justin sa gitna nang pag-iimpake ko.
Me: Nag-iimpake.
Justin: Kailan ang dating niyo dito?
Napataas pa ang kilay ko nang malamang alam pala niyang darating kami. Oh well,obviously since sa DACU ang venue hindi na nakakapagtaka na malaman niyang kasali kami.
Me: Mga around 4 PM ata kami darating diyan.
Justin: Do you want me to pick you up at the airport? Lola would be very happy if dito ka sa bahay mag-stay while you're here in Legazpi.
Me: Inform kita bukas kong payagan ako ni Coach na hindi mag-stay sa hotel na tutuluyan namin. ")
Justin: Alright. Sige,matulog ka nang maaga. See you bukas :)
Me: Opo,Kuya?..See you...hehehe
Justin: Little sister.. (:
Napangiti ako. Kuya lang talaga ang peg nitong pinsan ko.
Kinabukasan, 5 am pa lang ay sumakay na kami nang bus papuntang Manila. Almost 3 hours din ang naging biyahe namin. Medyo may kabagalan din kasi yung traffic. This is why sometimes mas okay din na manirahan sa probinsya kaysa sa malaking syudad. Bukod sa tarffic ay mapolusyon pa.
Naka-schedule yung flight namin nang 1:50 PM pero na-delayed iyon nang 1 hour kaya 5 PM na kami nakalabas talaga sa airport. Mula roon ay sinundo kami nang van na galing sa hotel na tutuluyan namin. Sa Hotel Villa Angelina kami naka-check in dahil mura lang iyon at isa pa ay 15 minutes lang yung layo niya sa DACU.
Nagsimula akong mag-type nang message sa cellphone ko nang nakapasok na kami sa kwarto namin. Habang si Mimi na siyang room mate ko ay abala na sa paglalagay nang mga damit niya sa closet.
Me: Just,andito na kami sa Legazpi. Na-delayed yung flight namin kaya 5 PM na kami nakarating sa hotel. Sa Villa Hotel kami ngayon naka-check in. Pakisabi kay Lola at Tita na okay lang ako. :)
Nang ma-send iyon ay agad ko ding sinimulan ang pag-kuha ang pagbukas nang maleta ko.
Nag-vibrate ang phone ko at nakita kong nag-reply siya.
Justin: I already told Lola and Mama. So,nakapagpaalam ka na ba sa Coach niyo? Anong sabi niya?
Me: Actually hindi pa. Mamaya sasabihin ko. Pero baka di talaga ako papayagan noon kasi baka gusto niyang sabay kaming pumunta sa DACU.
Justin: Okay. Nasabihan ko na din ang mga kaibigan natin. Alam na nilang andito ka. Pupunta kaming lahat bukas sa school para manuod sa game niyo :)
Me: Sige,kita na lang tayo bukas.
"Baba na daw tayo,Lea sabi ni Coach. Dinner na daw tayo." ani Mimi na nakatayo na sa harap ko.
Mabilis akong nag-type.
Me: Baba na kami sa lobby. Dinner na daw. Sige Just,sa school na lang tayo magkita bukas. :)
Pagbaba namin ni Mimi sa lobby ay nakita naming naghihintay na ang mga kateam mate namin pati na si Coach Martin. Napagkasunduan naming kumain sa labas kaya we end up sa isang fast food chain.
"Coach,pwede ba akong magpaalam sa inyo? Andito kasi yung bahay nang lola ko kaya kung pwede sana eh doon ako mag-stay habang narito ako." sabi ko kay Coach nang natapos na kaming kumain.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."