Chapter 32

11K 269 6
                                    

Nagsimula na ang tournament. Nagkaka-initan na ang labanan nang halos mag-tie lagi ang mga score namin at nang school na una naming kalaban. Magagaling din sila kaya lang dahil nga isa itong competition ay hindi rin kami nagpahuli.

Tiningnan ko isa-isa ang mga kasama ko. Halatang pagod na pagod na rin ang mga ito. Si Cristine ay muntik pang magka-sprain kanina sa kamay. Si Faith naman ay nagalusan na dahil sa kakasalo nang bola pailalim. Ako man din ay nararamdaman ko na ang unti-unting pagmanhid nang palad ko dahil sa kakapalo ko nang bola. 

Nasa elimination round pa lang yung game ay batid kong wala ni isa man sa walong participant teams ang gustong magpatalo kahit pa round robin type yung tournament.

Sandali kaming nakaupo sa bleachers nang team namin dahil tumawag si Coach Martin nang break. Hingal na hingal pa kaming lahat. Taktak na pawis namin sa mga mukha.

"Cristine,kaya mo pa bang maglaro?" seryosong tanong ni Coach kay Cristine na hawak-hawak pa rin nito ang kamay at nilalagyan nang ice.

"Yes,Coach.Kaya ko pa." ani Cristine.

"Ikaw,Lea,okay ka pa ba?" baling sa akin at kinuha ang kamay kong namamanhid na.

Tiningnan niya itong mabuti at sumenyas sa isang sub nang team namin. Kumuha ito nang ice pack at nilagay ito ni Coach sa kamay ko.

Nang mapatingin ako sa gawi nina Chesca ay agad kong nasalubong ang seryoso at nakakatindig balahibong mga mata ni Dave. Katabi niya si Justin na seryoso din ang tingin sa akin. Ang mga mukha nang mga kaibigan ko ay puno nang pag-aalala at pagtataka kung anong nangyayari sa akin o sa amin nang mga kateam ko.

Pagkarinig namin nang pito galing sa referee ay nagsipagtayuan na kami at nagsipagpuntahan sa court. Namayani muli ang napakalakas na hiyawan mula sa mga nanunuod. May mga kanya-kanyang sinusuportahan ang mga ito. Iginilaw-galaw ko ang aking mga kamay at naramdaman ko ang pagbalik nito sa normal. Medyo nawala nga ang pamamanhid.

Serve nang kalaban namin. 20-23 ang score. Lamang nang tatlong points ang kalaban namin. Alam kong isang pagkakamali lang ay matatalo na kami lalo pa't serve nang kalaban namin ngayon.

Nagsimula nang mag-serve ang kabila. Pumaere na ang bola at nasalo agad ito ni Elaine na nasa front row,pinasa niya ito sa setter naming Jessa at nang maayos na maiangat ni Jessa ang bola sa itaas ay umambang papaluin ito ni Mimi pero ang totoo ay tecnnique lang namin yun para lituhin ang mga kalaban. In the end ako pa rin ang papalo sa bola papasok sa court nang kalaban. Nang makita ko ang unti-unti paglundag ni Mimi pababa ay saka pa ako lumundag naman pataas at sinalubong ang bola at pinalo iyon nang pagkalakas-lakas. Nakita kong pumasok iyon sa court nang hindi nasalo nang kabila.Score namin.

Dinaluhan ako nang mga kateam ko at yung mga nasa bleachers ay nagchi-cheer na rin sa amin. 

"Woohooo!! Ang galing mo Lea!!! I love you!!! narinig ko pang sabi nina Jasmine ,Chesca at Alyssa.

"Friend namin yan!! Love you number 23!!!" ani pa Benj na binatukan agad ng selosong si Dave ko..hahaha

Natapos ang game at kami ang nanalo. Pagkatapos nang aming laro ay agad akong nilapitan nang mga kaibigan ko.

"Lea,congrats! Ang galing niyo!" hindi na ako nakahuma pa nang yakapin ako nina Chesca,Jasmine at Alyssa habang nakasunod naman sa kanila ang mga boys. 

Matapos nila akong pakawalan ay agad na lumapit si Justin sa akin na ginulo pa ang buhok ko. "Congrats!" 

"Salamat" nakangiti kong sabi. Dumako ang tingin ko sa katabi niyang si Dave na nakangiti sa akin habang tinititigan ako.

Biglang nagliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko. Ayan na naman. Yung ngiti niyang nakakalusaw. "Ang galing mo! Ang galing ng team niyo." aniya.

Dahil sa alam niyang nakatingin sa amin ang mga kateam mate ko ay hindi siya nagtangkang lumapit pa sa akin o ang hawakan man lang ako. Naiintindihan ko naman yun. Kailangan muna naming magpretend na "magkaibigan" lang kami sa harap ang team ko.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon