Nagpunta si Azalea sa library. Una ay nalula siya dahil sa laki nito. Nakita niya ang napakaraming libro na nakahanay sa kada shelf. Sinadya niyang umupo sa pinaka-corner nang makuha na ang gusto niyang libro. May ipina-research kasi ang instructor nila. Sa buong klase nila mabibilang lang ata ang gagamit ng libro sa library dahil ang iba'y gagamit nang computer para sa pagre-research. Hindi sa hindi siya marunong gumamit ng computer pero nasa malapit sa munisipyo pa kasi ang computer shop na kilala niya kaya wala na siyang oras magpunta doon.
Kinuha niya ang kanyang notebook at nagsimula nang magsulat ng may marinig siyang ungol ng babae. Luminga-linga siya. Kita niyang tahimik namang nag-aaral ang iilang estaudyanteng naroon. Naroon pa rin ang ungol kaya out of curiosity ay tumayo siya at pilit na hinahanap kong saan nanggagaling ang ingay na kanyang narinig. Lumiko siya sa literature shelf at habang papalapit siya ay papalakas naman ang naririnig niyang ungol. Pinilit niyang hindi mag isip ng masama pero hindi siya ignorante sa ganitong bagay. Hindi pa siya nakakaranas sa ganun at never in her lifetime na gusto niyang makasaksi nang kahalayan.Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kaba at panginginig habang papalapit na siya.
"Oh God Dave!" aning babae...
Mas lumapit pa siya at rinig na rinig niya ang ingay na nanggagaling sa pinaka-corner nang library. Tago kasi ito dahil sa mga shelf na naglalakihan.
"There sweetheart...ahhh.."
Hindi pa siya nakakasaksi ng ganitong mga pangyayari kaya mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sinadya niyang hinaan ang paglalakad upang hindi marinig ng mga ito ang bawat lagatak ng takong niya.
"Dave,I'm coming!" sabi pa nang babae.
Nakita niyang nakatalikod ang babae. Paliyad-liyad pa ito na para bang sarap na sarap sa ginagawa ng lalaki. Napatutop siya ng bibig ng mahagip siya nang lalaki at nagkasalubong ang mga mata nila.
Para siyang nahipnotismo sa mga titig nito. Ni hindi man lang kabakasan ng pagkapahiya ang mga mukha nito. Sa halip ay nakipagsukatan pa ito ng titig sa kanya habang hinahalikan nito ang leeg nang babaeng nakakandung rito.
Agad siyang nagbawi ng tingin at mabilis pa sa alas kuwatrong bumalik sa kanyang upuan. Hingal na hingal pa siya ng makaupo na. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba. Hanggang ngayon ay parang nanunuot pa rin sa kanyang ang titig ng lalaking nakita nya kanina.
Dahil sa pag-aakalang susundan siya at sisitahin siya nang lalaking nakita niya kanina ay napagdesisyunan niyang hiramin na lang ang libro at ipagpatuloy ang pagre-research sa bahay nila.
Bigla tuloy gusto niyang masuka sa mga imaheng nakita niya kanina.Posible ba talagang may mga taong hindi na makapagpigil na kahit sa library ay gagawin pa ang kahalayang ito? Ganito na ba talaga ka liberated ang mga nasa higher grades? Pero aminin man niya o hindi nagsimula nang guluhan nang lalaking yun ang utak niya. Mapupungay ang mga nito na pag tumingin ay para bang hindi na nito kailangan magsalita at basta ka na lang mapapasunod sa gusto nito.
Kinagabihan ay dinalaw pa rin siya ng mga imahe nang lalaking yun. Anong year na kaya siya? Bakit ganun siya makatitig?At bakit ganito na lang ang reaksyon nang puso ko sa tuwing maalala ang mga matang yun.
Papilig-pilig pa ng ulo si Azalea habang tinutunton ang corridor ng building. Kanina sa tricycle ay napapahikab pa siya. Hindi siya tinantanan ng mga matang nakita niya kahapon kaya wala pa tuloy siyang tulog.Kaya nang nahirapan siyang matulog ay tinapos niya ang lahat ng pina-research sa kanya ng prof nila. Sising-sisi siya kung bakit pa kasi siya nag-usisa kahapon ayan tuloy ang napala niya.
"Azalea!" alam na niya kung kanino ang boses na iyon.
Nilingon niya ito sa pag-aakalang si Nicole lang mag-isa ngunit nanlaki ang mata niya ng masalubong niya ang matiim na titig ng lalaking kagabi pa pabalik-balik sa isip niya. Gaya kahapon ay nakipag-titigan ito sa kanya. Hindi niya matagalan ang mga titig nitong tagos hanggang kaluluwa niya kaya una siyang nagbawi nang tingin at sa halip ay inilipat niya ang kanyang tingin kay Nicole na ngayon ay ngiting-ngiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."