"You are not going to talk to any guy if you are with me,Azalea!:"
What the? Sino ba siya sa tingin niya?
"Wala kang karapatan para sabihin sa akin yan,Dave." pabalik ko ring sabi sa kanya dahil sa inis ko sa kanya.
"Damn it Azalea! When are you going to stop hurting me?" aniya.
Natameme ako sa sinabi niya. Naka-drugs ba ito? O sadyang pagod lang ito? May babalikan pa ba talaga ako? Parang gusto nang bumigay nang utak ko sa kanya.
Kinailangan kong ikalma ang sarili ko. I need to think straight.
"Dave,give me my laptop,okay? I'm just talking to a friend from New York!"
Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa kanya. Kung tutuusin ay dapat na bigwasan ko siya sa ginawa niya. Invasion of privacy yung ginagawa niya.
"Then talk to him infront of me." seryosong sabi niya saka iniabot sa akin ang laptop ko nakita ko pa ang palihim na napapahagikhik na si Philip.
"What?"
"Talk to him in front of me or you won't be able to talk to him anymore.."banta pa nito.
Wala na akong choice kundi sundin ulit siya. Kinuha ko ang laptop sa kamay niya at umupo ako sa kama ko. Nasa harapan ko pa rin siya.
"Mag-T-shirt ka nga muna."
Nakasimangot kong sabi na agad naman din niyang sinunod.
"He's jealous,Lea. Ang cute niyong dalawa. Shit! Kinikilig ako sa inyo.." bulalas ni Philip.
"Baliw!" natatawang sabi ko.
Nang lumapit ulit si Dave ay tumabi na siya sa akin sa pag-upo. Nakita ko pa ang paglaki nang mata ni Philip. Oh no! Kita ko kung paano nabusog yung mata ni Philip pagkakita kay Dave.
"Philip,I'd like you to meet Dave."
Nakita kong napakagat labi si Philip.Alam kong pinipigilan niyang mapatili. Habit na niya iyan tuwing makakakita nang gwapo.
"Hi Dave! Nice to finally meet you. My friend told me so much about you."
Pinandilatan ko si Philip dahil doon. Naramdaman ko naman ang pag-init nang pisngi ko. Halos mahimatay pa ako nang makita ang nakangisi na ngayong si Dave.
"Really. I hope it's all good."
Damn it! Gusto kong untugin si Philip sa pagkanulo niya sa akin.
" Oh I'd better let you go now,Lea. I'll talk to you soon okay? I miss you.." sabi pa ni Philip sabay end sa call ko.
Hindi ko alam pero kinikilabutan ako sa tuwing naiisip kong magkatabi kami ni Dave ngayon sa kama.
Mas lalo pang nagregudon ang puso ko nang yakapin niya ako mula sa likuran at ipalibot ang mga bisig niya sa akin. Napahawak naman ako sa mga iyon. Tunaw na agad ang inis ko sa kanya.
Home. usal ulit nang puso ko.
Ganyan lang kadali? tutol naman nang utak ko.
"I miss you..so much.."
Halos magtumbling na ako nang maramdaman ang mainit na hininga ni Dave sa tainga ko. Kinagat ko ang ibabang bahagi nang labi ko para pigilan ang sariling mapaungol.
I never imagined na muli kong maramdaman ang yakap niya. Ang makulong sa bisig niya nang ganito.
Matagal rin kami sa ganung posisyon. Kung hindi pa tumunog ang telepono ay di pa mapuputol ang eksenang yun. Kumalas siya sa akin at inabot ang phone.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."