Chapter 12

12.3K 329 4
                                    

Nagdaan pa ang ilang araw naging matibay pa rin ako sa aking desisyong layuan na ang grupo nina Dave. Hindi na rin nagtangkang kausapin ako nina Chesca at Nicole.Wala namang galit sa mga mukha nila sa tuwing nagkakasalubong at nagkakasabay kami sa pasilyo. Civil lang din ang turingan namin kapag nasa classroom kami.Maging sina Cody,Benj,Justin at Wilford ay di rin nagtangkang lumapit sa akin pero pansin ko ang mga panakaw nilang tingin sa akin sa tuwing nakikita nila ako. At si Dave na ilang beses ko nang aksidenteng nakakasalubong habang kabuntot pa rin si Martina at ng mga alipores nito. Nalabanan ko ang kirot sa aking dibdib everytime na magtama ang aming mga mata.

As days and weeks passed I have learned to accept na may mga bagay talagang hindi pwedeng ipilit. Tama na iyong naranasan ko ang minsang magkaroon ng mga mababait na kaibigan na kaiba sa katayuan ko sa buhay. At tama na ang naranasan kong maging cinderella sa sandaling panahon.

Naging magaan na rin ang pakikitungo sa akin ng mga schoolmates ko. Parang isa na lang akong estudayante roon na kapareha nila. Normal. Walang mga mapanghusgang mga mata. Sa halip ay napalitan iyon ng mga paghanga at miminsang pagpapalipad hangin ng mga kaklase at schoolmates kong mga lalaki.

Itinuon ko halos lahat ng oras ko sa pag-aaral. Kadalasan ay tumatambay kami nina Allysa at Jasmine sa library para mag-aral o dili kaya'y mag brainstorming minsan. Buti na lang ay napakiusapan ko ang prof namin na ilipat ako sa grupo nina Allysa. Hindi naman tumutol si Nicole. Sa halip ay nagyakapan pa kami nila ni Chesca bago nila ako tuluyang ni let go.


"I'm so doomed! I'm so doomed!" nakanguso kong sabi kina Allysa at Jasmine habang sinasabunutan ko ang aking sarili.

"Eh bakit kasi hindi ka tumanggi." aning Allysa.

Wala ang prof namin para sa dalawang subjects kaya pinili naming magbabad sa library.

"Hello,it's Kevin Torres that we are talking about here!" maarteng wika ni Jasmine.

Si Kevin Torres ay napag-alaman kong 4th year college na sa Business Ad Department.Paano ko nakilala? Well,siya mismo ang nagpakilala sa akin sa sarili niya ng magkabanggaan kami sa auditorium 3 days ago. Matangkad,may pagka presko na hindi naman pero gwapo. Nalaman ko pang Team Captain daw siya ng Soccer Team.

Mula noon ay hindi na niya ako tinantanan. Palagi siyang nagpapalipad hangin sa tuwing nagkakasalubong kami. Noong isang araw lang ay kinorner niya ako noong nakita niya kami nina Alyssa sa soccer field. Niyaya niya akong mag-date. Friendly date. Ayaw ko sanang pumayag pero lumuhod ito sa harap ko. Pinagtitinginan kami ng mga taong nakakita sa ginawa niya kaya napapayag niya ako. Pero sabi ko'y sa Friday lang ako available dahil walang klase. At yung date namin ay dito lang sa library. O di ba? Date sa library. Naalala ko tuloy si........

"Sa tingin niyo gino-good time lang ba ako nang Kevin na yun?" sabi ko.

Hindi ako mapanghusga pero hindi ko rin maiwasang magtaka kung bakit niya ako idi-date. Hindi naman ako masyadong kilala sa school at saka first year pa lang ako kumpara sa kanya na senior na sa eskwelahang ito.

"Sa pagkakaalam ko according to my sources ay maraming nagkakandarapa din sa kanya. Kasi gwapo at team captain pa. Kumbaga siya daw yung counter part ni Dave na team captain naman ng basketball varsity team rito." pahayag ni Jasmine.

Hindi na ako nagtaka kung bakit alam ito ni Jasmine. Sa aming tatlo si Jasmine ang masyadong friendly at maraming kakilala rito kaysa sa amin ni Alyssa.

Hinampas pa ako ni Alyssa sa braso. "Grabe ikaw na ang maswerteng nilalang rito sa campus,Lea. Grabe talaga! Pero maswerte rin naman sila sayo,ang ganda mo kaya. Ikaw kaya ang pambato ng department natin at sa lahat ng first year sa atin." masayang wika nito.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon