Chapter 9

12.2K 321 6
                                    

"Excuse me." maarteng tawag sa akin ng chinitang babae nang mapadaan ako sa harapan nila.

Huminto ako at humarap sa kanila.Napagtanto kong ito nga pala ang babaeng nakita kong kalampungan ni Dave sa canteen kahapon. Lumapit siya sa akin at ni-head to foot ako.

Oh what now? usal ko sa sarili.

"Freshman ka di ba? I wonder kung anong nakita sayo ng kapatid ni Dave at madali mong nakuha ang loob niya? Nagpapaawa ka rin ba gaya ng iba?" panunuya nito.

Hindi ko nagustuhan ang sinabi nito kaya tumaas ang kilay ko.

"Excuse me?"ani ko.

"Look at you,hindi ka naman kagandahan,hindi ka rin richy manamit? But I just don't understand kong paano mo nahuli ang loob niya at instantly became one of the group?" may inis na sabi nito.

"Are you done insulting me? Kasi kung tapos ka na,pwede na ba akong pumunta sa klase ko dahil yun ang ipinunta ko dito.!" matapang kong sabi.

"Aba,Martina at pumapalag siya sayo ha? Mukhang lumaki agad ang ulo niya." sabat ng isa pang mukhang tutubing kaibigan nito.

Sinaklit ni Martina ang braso ko. Lumubog sa balat ko ang matutulis niyang kuko. Nakaramdam ko ng hapdi pero hindi ko iyon pinahalata.

"Bitch! Just because magaan ang loob sayo ng grupo nina Dave ay pwede ka nang maging hambog! Please, you don't belong in their world. Halata namang mahirap ka eh. Ang isang katulad mo ay bagay sa mga yun! at yun..." at itinuro nito ang grupo ng mga scholars na katulad ko.

"Iiyak na yan..."tukso ng froglet na alipores ni Martina.

Napangiwi ako ng masyadong ibinaon ni Martina ang mga kuko niya sa braso ko.

" Don't you dare steal what is mine,poor girl! Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo. If I were you,lumayo ka na sa grupo nina Nicole.Coz if not,I'll surely make your life hell!" banta nito sa akin.

Padarag niyang binitawan ang humahapdi kong braso.

"Oppppssss... ay natapon!...." .

Napaatras ako ng sabuyan ang mukha ko ng tubig sa isa sa mga kasamahan niya. Nabasa pa pati uniform ko. Makikita na tuloy ang harapan ng bra ko.Tumawa pa ang mga ito habang nilagpasan ako.

Nagsibabaan ng tingin ang mga nakasaksi sa ginawa niya sa akin. Wala ni isa man ang lumapit sa akin. Namalayan ko na lang ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak sa pisngi ko.

Dali-dali ko iyong pinahid at tumakbo ako para maghanap ng CR. Masamang-masama ang loob ko sa mga oras na yun. Feeling ko napagkaisahan ako. Matapang ako pero may mga oras din na nasasaktan ako.

"Azalea....."

Hindi ko na nilingon pa ang tumawag sa akin. Dire-diretso lang ako sa pagtakbo. Gusto kong maglaho sa mga mata ng mga taong nandoon.

Pagkapasok ko sa loob ng CR ay agad akong kumuha ng maraming tissue.Dinala ko iyon sa loob ng cubicle at doon ay ginamit ko iyon na pantuyo sa nabasa kong shirt.

Mas lalo pa aking nainis ng hindi ko matuyo ang damit ko Buti na lang at medyo maliit lang na parte ng skirt ko ang nasabuyan ng tubig kanina. Akala ko ba sa TV lang nagkakaroon ng mga ganitong scenes?

*tok**tok*Tok*

Tumigil ako sa aking ginagawa ng narinig ko ang mahinang katok mula sa pintuan ng cubicle.

"Sino yan?" kinakabahan kong tanong.

"Azalea,si Justin 'to." sagot nito.

Dali-dali kong isinuot ang upper uniform ko.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon