Chapter 16

12.3K 261 1
                                    

Lea!

Napalingon ako pati na ang grupo nang may tumawag sa aking pangalan. Kita ko ang papalapit sa aming upuan na sina Jasmine at Alyssa sa amin. Agad akong tumayo at sinalubong sila. Nakanguso pa si Dave nang kinalas ko ang aking kamay sa pagkakahawak niya. Clingy.

"Oi,Alyssa,Jasmine." salubong kong bati sa mga ito.

Nakita niya kung paano nahihiyang lumapit ang dalawa niyang kaibigan sa gawi nila. Halatang nahihiya ang mga ito ng naagaw ng mga ito ang pansin ng mga kasama niya.

"Ahmmm guys,ito nga pala sina Alyssa at Jasmine,mga kaklase namin nina Nicole at Chesca,mga scholar din sila dito sa school katulad ko." pakilala niya sa mga ito.

"Hello!Benj here." ani Benj na malaki pa sa bibig niya ang ngisi na siyang ikinapula ng mga pisngi nina Alyssa at Jasmine.

Iba talagang umatake ang mga ito. Napapailing na lang siya.

"Jas,Alyssa,ito nga pala si Cody." tinuro niya si Cody at kumaway naman ito sa gawi nila. 

"Si Justin.. at Dave...." patuloy pa niya.

At hindi na niya pinakilala ang mga ito kina Chesca at Nicole dahil nagsitanguan na ang mga ito kaninang kararating lang ng dalawa.

"Umupo na kayo dito." wika ni Dave at tumayo ito, maging si Justin ay ini-offer din ang upuan nito.

"So ahm...hinanap ka namin kasi gusto ka sana naming imbitahan para sa birthday party ko bukas sa bahay. Simpleng handaan lang naman Lea,debut ko kasi." nahihiyang sabi ni Jasmine na nakayuko pa.

Naalala niya ang sarili niya noong una pa lang niyang nakilala ang grupo. Ganito din kasi siya. Paano ba naman kasi very intimidating naman kasi ang aura ng mga ito.Iba na kasi pag mayayaman. Makikita mo talaga ang kaibahan.

"Heto Lea,para sayo 'to..." nanginginig pa ang kamay ni Jasmine ng iabot niya sa akin ang isang sobre. 

Tiningnan ko iyon. Invitation card pala iyon. Nakasaad roon kung saan at kailan ang debut nito.

Ngumiti siya rito. "Salamat,Jasmine."

"Are we invited too?" lakas loob na tanong ni Nicole.

Napatingin kaming lahat sa gawi niya. Laglag panga naman sina Jasmine at Alyssa.

Of course! Who wouldn't? It's Nicole Araneta that's asking right now? At natural lang na magulat dahil obviously expected na yun.

"Oo nga naman. Since wala naman tayong lakad bukas why don't we just gate crash sa debut niya..." singit din ni Benj.

Lalo lang talagang namula si Jasmine.Nagpapalitan kami ng tingin nina Jas at Aly...na para bang sinisiguro nilang tama ba ang mga naririnig nila. 

It's the popular group in school that's inviting themselves for a simple birthday party and yet parang gustong-gusto talaga ng mga ito.

Naramdaman ko ang paghawak ni Dave sa aking baywang. Hindi iyon nakaligtas kina Aly at Jas. Lumaki ang mata nila sa nakita pero agad din naman silang nagbawi.

"Ahmmmm..kung gusto niyo..."halos wala ng boses ang lumabas sa kanya sa sobrang kaba niya.

"It's settled then..yes! I want to attend that kind of party..."excited na wika ni Chesca.

Talaga bang ganito ang mga taong ito? Sawa na ba sila sa mga mararangyang selebrasyon kaya parang masaya at exciting para sa kanilang umattend sa ganito?

"Sige,Jas,pupunta kami." sabi ko sabay sulyap kay Dave na ngayon ay titig na titig sa akin.

Ayan na naman ang pagkalakas-lakas ng pagtambol ng aking puso.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon