PARADISE. Maldives is so breath taking. Hindi talaga ako magsasawang titigan ang napakagandang lugar nang Maldives. Kulang pa yung 5 days and 4 nights na stay namin. Kung pwede lang na doon na tumira ay ginawa ko na. Ang mahal pero sulit naman. That's my gift for myself after completing my whole year in school. Sobrang enjoy yung bakasyon namin.Kami nina Philip at Stan lang ang magkasama dahil si Jessica ay nagbakasyon kasama yung family niya sa Hawaii.
That's when it hit me na kahit anong gawin ko ay hindi ko pa rin maalis sa sistema ko si Dave. Nang malaman nang barkada kong nasaan ako nag expect akong susundan ako ni Dave sa New York. Damn! Pero hindi nangyari kasi gaya nga nang sabi ni Nicole ay busy na raw ito.
I wonder if he is with someone now wala rin naman kasing sinasabi yung mga barkada namin. Para bang tikom lang yung bibig nila pagdating sa lovelife ni Dave. Kung noon ay nakakakita ako nang pictures niya with different girls,recently ay wala na. Nag-change pa siya nang profile pic niya,picture niya na nakatayo sa may wall glass window at nakatanaw sa mga building sa labas.Hinuha ko ay nasa opisina siya nang mga time na yun. Naka-suit din kasi siya, kahit nakatagilid at hindi kita yung mukha alam ko sa tindig pa lang ay alam kong siya iyon. Tapos yung cover photo niya ay someday lang yung nakasulat.
My heart is still beating for him. Hindi ko alam pero talagang nakaukit na siya sa puso ko.
After I left he never contacted me or attempted to see me. Pero ako rin naman ang umalis ulit di ba?Yung comment lang niyang isa ang tanging nagpapaisip sa akin na baka iniisip pa rin niya ako. At itong promise ring na nilagay ko bilang necklace charm ko. Pinili ko talagang dalhin ito kahit umalis ako nang Pilipinas.Para bang kasama ko na rin siya kapag suot ko ito lagi. Baliw lang. Kakalimutan ko raw,lalayo raw ako pero di ko pa rin magawa.
How can I moved on when obviously I am still inlove with him? I was trying to forget him pero I am still waiting for him.Ganito ba talaga pag yung taong gusto mong kalimutan ay di mo magawang kalimutan dahil halos lahat nang memories mo na magaganda ay nasa kanya? It's all about him.
But what if may iba na nga siya? What if pagbalik ko wala na pala akong babalikan? What if......?
HEY GORGEOUS! YOU OKAY?
"Hey Philip"
Tamad kong lingon kay Philip na papalapit sa table ko. Simula noong kakasimula nang klase ay hindi na kami masyadong nagkikita dahil busy din siya kay Stan na kakalipad lang patungong Canada dahil may dadaluhan itong convention.Work related raw so ito namang kaibigan ko ay halos ikulong na lang ang sarili sa condo nila ni Stan makasama lang ito araw-araw. Hell,two months lang naman silang hindi magkikita pero kung maka-acting ito ay parang forever nang mawawala yung boyfriend niya.
"What are you doing? You looked so out of this world kanina? Spacing out?"
Aniya habang binubuksan yung softdrinks na dala niya.
"May iniisip lang ako."
Kumunot ang noo niya sandali.
"Si loverboy mo na naman?"
Inirapan ko siya. Hindi ko talaga gustong tawagin niya nang ganun si Dave.
"Oh I forgot I'm sorry. Hindi mo pala gustong tawagin ko siyang loverboy. Eh si Hunky Sexy beast Dave ba yung iniisip mo ulit?" nakangising sabi nito.
Sinapak ko ang braso niya at napangiti na rin.
"Grabe para ka talagang nagdadalaga lagi pag siya ang pinag-uusapan natin. Umuwi ka na lang kasi total malapit na yung fall kahit one or two weeks lang para magkita na kayo at magkaliwanagan."
"Ayoko.Natatakot ako."
Mabilis kong sabi sa kanya. Yes,I have a lot of doubts and what if's right now lalo pa't wala akong alam tungkol sa lovelife niya baka pagbalik ko doon ay saksakin ulit ang puso ko.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."