Chapter 13

12.3K 292 3
                                    

Sinalubong ko ang bawat paggalaw ng mga mata niya. Sinabunot niya ang kanyang dalawang kamay sa buhok niya. He's hurt. He's frustrated. Yun ang nakikita ko sa kanya ngayon. Pero I have to do this. I need answers. I want to know kung ano ang iniisip niya. I need to know kung ano ba talaga ako sa kanya.

"Dave..." hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay ko. Kinulong ko iyon doon. Nakadungaw na ako sa kanya ngayon. "Sabihin mo sa akin kung bakit hindi ko dapat i-date si Kevin bukas?"

Naramdaman ko ang mga palad na nakahawak na rin sa mga kamay ko. Napapikit ako ng maramdaman kong ginawaran niya nang maiinit na halik ang mga palad ko.

Para akong nakukuryente sa mga ginagawa niya. Ganoon pa man ay hindi ko magawang bumitaw.

"I am madly smitten with you,Azalea Reyal.."saad niya sa akin ng magkatitigan ulit kami." I don't want you to date him because it freaks the hell out me. I might be a criminal pag nangyari yun."

Imbes na magalit at matakot sa kanyang sinabi ay di ko na napigilang mapangiti.Binitawan ko ang mukha niya at umayos ako ng tayo. I need to breath. Baka mag pass out pa ako sa sobrang kilig.

Nawala pa lalo ang aking kaluluwa ng maramdaman ko ang pagpalibot niya ng kanyang mga braso sa aking beywang. Halos ikawala na ng ulirat ko nang higitin niya ako papalapit sa kanya at inihilig niya ang kanyang ulo sa may bandang tiyan ko.

"Say something..." mahina niyang sabi.

Isang kembot na lang at bubulagta na talaga ako.

Na-tempt akong hawakan at isuklay ang aking mga daliri sa buhok niya imbes na sagutin siya. Agad niya akong inilayo sa kanya at tumayo siya. Sa gulat ko ay napaawang ang labi ko.

"Fuck baby..don't do it!" halos pabulyaw niyang sabi.

Anong ginawa ko? Ba't siya nagagalit? Abnormal ba ito? Bakit biglang nagbago ang timpla niya? Dahil sa magkahalong kaba,gulat, at takot ay napahikbi ako.

Agad naman siyang lumapit sa akin ng marinig niya ang hikbi ko.

"Damn..why are you crying again?" aniya na tarantang kumuha ng tissue sa bedside table niya.

Ako ay patuloy pa rin sa paghikbi.

"Baby..don't cry...." sabi pa niya.Hinigit niya ako at pinaupo niya ako sa paanan ng kama. Siya naman ngayon ang nakaluhod sa harapan ko at patuloy sa pagpunas sa mukha ko."stop crying...."

Nang medyo humupa na ang aking emosyon ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.Hinawakan niya ang aking baba para matignan ko din siya.

"Do you feel the same for me baby?".....mariing sabi niya.

Lumunok ako muna ako saka tumango. Nakita ko kung paano magliwanag ang kanyang mukha at sumilay roon ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Damn! I'm so crazy about you!"

Pagkasabi niyon ay unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Para akong naduduling sa ginagawa niya kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko. Dumampi ang mainit niyang labi sa labi ko. His kisses were so sweet and gentle. Para akong dinadala sa ulap. Sandali lang iyon pero nagdulot pa rin iyon ng matinding init sa buo kong katawan.

Saka ko lang minulat ang mata ko nang wala na ang kanyang mga labi sa akin.

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at umupo sa tabi ko.Inilibot niya ang kanyang braso sa aking beywang at pinahilig ako sa kanyang balikat.

"We're going to make this work baby....." aniya.

Wala pa akong karanasan sa pag-ibig pero alam kong ito na nga ang sinasabi nilang LOVE. Siguro wala nga itong pinipiling tao,panahon at oras,basta-basta na lang itong nangyayari. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong klaseng saya sa puso ko..

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon