Pagkatapos naming mag-mall nina Lola at Mama ay umuwi na agad kami sa bahay. Bitbit ang mga pinamili namin ay agad akong umakyat sa kwarto ko. Balak ko kasing pumunta ngayon nang DACU. I'm going to surprise my friends there tiyak kong di nila ini-expect na pupunta ako doon though alam na nilang narito na ako sa Legazpi.
Nagpalit agad ako nang damit. Sinuot ko yung skinny jeans ko na agad hinulma ang mahahaba kong legs at ang maumbok kong pwetan. Pinili kong tapatan yun red simple tunic top at sinuot ko rin yung favorite white sneakers ko. Yung cellphone at wallet ko naman ay nilagay ko lang sa body bag ko. Naglagay rin ako nang simpleng make up lang sa mukha iyong parang skin tone lang dahil ayoko namang magmukhang sobrang nag-abala pag nakita ako nang mga tao roon.
Nang masigurado kong okay na yung ayos ko ay agad akong lumabas nang kwarto. No need to inform Lola and Mama na dahil nakapagpaalam na ako sa kanila kanina habang nasa restaurant kami nagla-launch.
Nagpahatid ako sa driver ni Lola patungong DACU. Kanina pa sabog na sabog yung cellphone ko dahil sa mga texts at missed calls galing sa mga kaibigan ko ngunit ni isa man sa kanila ay wala akong ni-replyan dahil gusto ko talagang sorpresahin sila.
The last time I talked to Justin was noong sabihin niya after nang exam nila ay may practice game din daw sila kaya balak kong manuod nang game. Kahit si Dave ko na ginigyera ako nang text ay tiniis kong di replyan. Nakakatawa lang.
Halos hilahin ko na ang mga paa ko para makarating lang ako agad sa loob nang school. Nagpa-drop kasi ako sa driver sa tapat nang school. Pagpasok ko pa lang ay marami nang napalingon sa akin.
Nakilala ko pa yung ibang nandoon dahil hindi ko makakalimutan ang mga mukhang nanmaliit sa akin noon. Not that I have grudes against them until now pero sadya lang talagang yung makita sila ay naalala ko yung mga hindi magandang bagay na ginawa nila noon noong nag-aaral pa ako rito.
"Si Reyal na ba yan? Lalo ata siyang gumanda ah!"
Palihim na lang akong napangiti sa bawat magagandang salitang naririnig ko sa mga nadadaanan ko.
"Sila pa rin ba ni Dave? Di ba girlfriend ni Dave ay yung taga ibang lugar?"
Bahagya pang umigting ang tainga ko sa narinig nang mapatuon ako sa nakilala kong isa sa minions noon ni Martina. Tinignan ko siya pero inismiran lang niya ako kaya nagpatuloy na lang ako sa pagtahak sa pasilyo patungong gymnasium.
Malayo pa lang ako sa gymnasium ay agad ko nang naririnig ang hiyawan nang mga nasa loob. Palapit ako nang palapit sa gymnasium ay nagreregudon naman ang puso ko. I'm excited at kinakabahan din at the same time. Ngayon ko lang ulit makikita ang mga kaibigan ko two days after I arrived here in Legazpi. Sinadya ko talagang iyuko ang ulo ko habang papasok sa loob. Luminga-linga ako at nang makita ko sina Nicole,Chesca,Jasmine at Alyssa na nakaupo sa may last row nang bleachers ay agad akong napangiti. How I miss them all. Tumingon ako sa court at nakita ko sina Justin,Benj,Cody, at yung isa pang kateam nila na naglalaro ngunit agad na hinanap nang mga mata ko si Dave.
Sumikdo agad ang puso ko nang makita siyang nasa bench at may hinahawakang cold compress? sa kamay niya.Napakunot-noo ako. What happened to him? Na-injury ba ang kamay niya?
Azalea!
Agad akong napalingon sa gawi nina Nicole nang tawagin nila ang pangalan ko na para bang di nila alintana na may game na nangyayari sa court ngayon. Napatda pa ako nang halos lahat nang mga nandoon ay lumingon sa akin. Gusto ko na tuloy umatras at umalis doon.
"Lea,halika rito!" tawag sa akin nang mga kaibigan ko.
Akma na sana akong pupunta sa bench nila nang mapatingin ulit ako kay Dave na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin. Kumaway ako sa kanya and he did the same yun nga lang ay yung ngisi niya ay nakakahimatay. Sumenyas ako sa kanya na papunta ako sa kinaroroonan nina Nicole at tumango naman siya.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."