Chapter 69

13.6K 252 1
                                    

Around lunch time na nang nakarating ako sa Araneta Engineering Business Firm Building. Binati agad ako ng guard pagkapasok ko sa lobby.

"Siya na ba yung asawa ni Sir Dave? Infainess ang ganda!"

"Oo nga bagay sila ni Sir kaya ang gwapo ng anak nila.!"

Hindi ko maiwasang mapalingon sa mga nadaanan kong nagbubulungan. Hindi pa ako tuluyang nakalampas sa receptions desk nang siya namang pagbukas ng elevator at inuluwa niyon si Nicole.

"Lea!!" excited na bati ni Nicole sa akin at saka niyakap ako.

"Nic!" ganti kong bati sa kanya.

Nakaagaw na agad kami ng pansin sa mga naroon.

"Pupuntahan mo na ba si Kuya sa opisina niya?"

"Oo. Kanina pa nga nila akong tinatawagan sa opisina ni Alexis." sabi ko naman.

"Oh my god! I can't believe na ito na talaga yung pamilyang gusto ni Kuya!" masaya niyang nasabi.

Napangiti na lang ako kay Nicole. Ang bait talaga niya sa akin.

"Magla-lunch ka na ba?" tanong ko.

"Oo.Hihintayin ko si Justin dito sa lobby sabi niya on the way na daw siya."

"Gusto mo samahan muna kita rito?"

"Oh no,wag na,puntahan mo na lang ang mag-ama mo,okay? Bye Lea! " sabi sa akin ni Nicole na tinulak pa talaga ako papuntang elevator.

"Maam Nicole siya na ba yung sinasabi niyong asawa ni Sir Dave?"

Napapailing na lang ako nang hindi pa man nag-close yung elevator ay narinig ko pa rin ang usisa ng mga empleyado kay Nicole. Huminto ang elevator sa third floor at naglakad na ako palabas.

Kumatok muna ako bago ko pinihit ang door knob. Tumambad sa akin ang nakaupong si Dave sa swivel chair habang kandong naman niya si Alexis na parang may pinapanuod sa computer.

"Baby.." nakangiting bati ni Dave sa akin.

"Hi!"

At sinarado ko ang pinto ng opisina niya saka naglakad ako papunta sa couch at nilagay doon ang bag ko.

Saka lumapit ako kina Dave at hinalikan ko siya sa labi at si Alexis naman sa noo.

"Anong pinapanuod niyo?" nagtataka kong sabi.

"Cartoon movie. Medyo na-bored daw siya kaya ayan pinapanuod ko muna nang movie habang naghihintay kami sayo." aniya.

"Ganun ba?" mahina kong sabi saka niyakap ko ang leegan ni Dave mula sa likuran at hinagkan siya sa pisngi.

"I miss you.." bulong ko sa kanya.

"I miss you too baby.." sabi din niya. "Buddy,we're going now. Let's continue your movie when we get to the house okay?" wika ni Dave sa anak namin.

"Okay,Dad." sagot naman ng anak ko na bumaba na mula sa lap ni Dave.

Hinigit ko na si Alexis at dinampot ang purse ko habang si Dave naman ay pinatay muna ang computer niya.

Nauna na kaming lumabas ni Alexis at naghintay na lang kami sa may elevator. Pagkalock ni Dave sa opisina niya ay sumunod naman siya sa amin para pumasok na sa elevator.

Nang nakarating na kami sa lobby ay dumaan muna si Dave sa may receptions desk.

"Cancel all my appointments for this afternoon because I'll be spending my time with my family." narinig kong sabi ni Dave sa babae na nasa desk.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon