Sa ilang days na paghahanap namin ni Dave ng bagong bahay na matitirhan,sa wakas ay nakapili na rin kami ng house and lot na pareho naming nagustuhan. With the help of Benj real estate agency ay nakakita kami ng bahay na akmang-akma para sa aming magpapamilya. It's two blocks aways from Jasmine and Benj's house located sa isang private subdivision. The house was a two-storey house na may 4 bedrooms,very spacious and tahimik yung neighborhood. Gusto ko sanang umayaw noong una dahil sa price but then again Dave insisted and he wanted to buy it kaya in the end siya pa rin ang nasunod. One month na lang at pwede na kaming lumipat dahil sakto namang matatapos na ang pinasimulan niyang adjustments. He wanted to build a play area for Alexis at mas pinalikihan niya din ng kaonti yung pool area at dagdagan iyon ng isang maliit ng pool for his son.
Sa aming dalawa si Dave ang mas tutok sa mga bagay na ito kahit pa busy din siya sa trabaho niya ay di siya nagkukulang ng time para i-check ang bahay namin.
Finally,a month from now ay mangyayari na rin ang beach wedding namin na gaganapin sa Balesin. Everything was like a dream to me. Hindi ko alam na napakabilis na ng panahong nagdaan. Parang kailan lang ay kapwa pa kami nangangapa ni Dave kung paano at saan sisimulan ang buhay mag-asawa.
But then again,Dave showed me na kaya namin lahat as long as we are together. Two months from now,our Alexis will turn 6 years old. Nakakatuwang isipin na ito na talaga yun. Ito na ang future na pinangarap namin ni Dave para sa aming dalawa. To have a family. A wonderful family.
Noong umattend kami sa housewarming nina Benj at Jasmine a week ago ay napag-alaman din naming 2 months pregnant na si Jasmine. Naiiyak pa nang i-announce iyon ni Benj. Kita ko talaga kung gaano kasaya yung mag-asawa. Nang sulyapan ko si Dave ay nakita ko ang konting inggit sa mukha niya noong time na yun which I understood kung bakit dahil noong nabuntis ako ay wala siyang alam. He could've had the same reaction just like Benj or Wilford but then pinagkait ko iyon sa kanya. Ngunit,this time I'll make sure kung mangyari mang buntis ako ay sasabihin ko na talaga sa kanya at hinding-hindi na ako maglilihim pa. Walang mintis si Dave sa pagpapakita kung gaano niya kami kamahal ng anak niya. He has been sweet and loving,lahat-lahat na ng katangian para sa isang mabuting Dad at partner para sa akin.
Sina Mama at Tita naman ay naging super close than ever. Nalaman kong nag-out of the country pala yung dalawa galing kay Justin. And speaking of Justin and Nicole para pa rin silang aso't-pusa pero kung maglambingan ay grabe din naman. Nakabalik na si Wilford sa trabaho niya sa ibang bansa at naiwan si Alyssa at Kendra dito pero sabi naman ni Wilford ay babalik siya para sa kasal namin ni Dave.
Sina Chesca at Cody ay kapwa busy din dahil nagsisimula nang i-build yung bar and resto business nila.
It's like lahat kami ay having the best time of our lives.May kanya-kanya na kaming pamilya pero nakukuha pa rin naming mag-hangout. Who would've thought that our friendship is almost a decade now?
"Maa'm Lea,may bisita po kayo." ani secretary ko.
Napatigil ako sa aking ginagawa sa computer at binalingan ko ang aking secretary.
"Sino?"
Nagtataka ako kasi wala naman akong expected na bisita ngayon.
"A certain Philip daw po."
Napamulagat ako sa narinig. Philip? Andito si Philip?
"Saan? You can send him in.Thank you."
Tumayo na ako sa sobrang excitement na makita ang kaibigang matagal ko nang hindi nakita. God! It's like how many years na kaming hindi nagkita ni Philip at wala na akong balita sa kanya after he left without informing me kung saan siya pupunta.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."