Chapter 56

9K 192 2
                                    

Hindi na namin hinintay sina Justin at Nicole sa may tambayan. Sa halip ay nauna na kami sa napagkasunduang restaurant kung saan ay magdi-dinner kaming lahat,well except for Alyssa and Wilford na obviously busy na sa buhay nila aside from school.

Nakasunod ang sasakyan ni Dave kina Benj. Sinulyapan ko ang gwapong mukha ng boyfriend ko. Kahit pawisan ay yummy pa rin.

"Baby..stop staring at me baka hindi kita dalhin sa resto.." tukso niya sa akin habang diretso ang mata niya sa daan.

Tinampal ko ang braso niya saka umayos na ako ng upo.

"Babe.." tawag ko sa kanya..

"Hmmm?"

"Next week,pupunta akong HongKong. Gusto ni Tita na umattend ako nang conference doon for 3 days. So I wont' be here on your birthday."

Pagkasabi niyon ay nakita ko ang pagkalukot nang mukha niya.

I know babe..ganyan din ako.busal ng puso ko.

"It's okay I guess. Hindi naman kita pwedeng pigilan dahil trabaho mo naman yan." sabi pa niya pero alam kong disappointed siya. Halata kasi sa mukha niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "And next week din ay makikipagkita si Mama sa akin."

Nilingon niya ako saglit at saka diniretso ulit ang tingin niya sa kalsada.

Halos panisan na ako nang laway ng hindi na siya nagsalita pang muli. I don't know if he's mad or just disappointed.

Nang dumating na kami sa restaurant ay agad kaming bumaba ng sasakyan niya.

Hinintay kong lapitan niya ako pero tumayo lang siya sa likuran ko hanggang sa nakapasok na kami sa restaurant.

Sina Benj at Cody na ang umorder habang sina Chesca at Jasmine ay nagtungo sa banyo. Kami lang ni Dave ang naiwan sa table namin.

"Babe..galit ka?" mahinahon kong sabi sa kanya at saka hinawakan ko ang kamay niya at nilagay iyon sa lap ko.

"I am just disappointed na hindi kita makakasama sa birthday ko. First birthday ko sana next week na kasama kita pero I guess hindi talaga meant na sa birthday ko ay makasama kita." malungkot na sabi niya.

Hinarap ko na siya at hinaplos ang mukha niya.

"I'm sorry babe..hindi ko lang kasi matanggihan si Tita."

Tumango naman siya. "I'll get over it."

"Andito naman yung mga friends natin eh."sabi ko.

I know na magpaparty sila sa birthday niya dahil ako ang mag-o-organize ng birthday party niya syempre with the help of my girlfriends. Nauna ko nang nasabihan kanina si Chesca at Jasmine and itetext ko na lang si Nicole para ma-inform din siya.

"Iba pa rin pag andito ka baby..." aniya na ginawaran na nang halik ang kamay kong nasa pisngi niya.

"Ang landot mo talaga Dave Araneta!" tukso ko sa kanya. Buti na lang at tumalab yun sa kanya at napangiti na ako.

"Shit! I thought nabawasan na ang over na kasweetan niyo habang wala ako pero mas lumala pala talaga!"

Sabay kaming napalingon ni Dave nang narinig naming nagsalita si Nicole na kahit namamaga ang mata ay malaki pa rin ang ngisi. Si Justin naman na kanina lang sa court ay malungkot ngayon ay halos mapunit na ang pisngi sa kakangiti.

Nagkatinginan kami ni Dave at nagpalitan nang makahulugang tingin.

"I guess,okay na kayo? Sa wakas hindi na rin mukhang may PMS itong si Justin lagi!" natatawang tudyo ni Cody at Benj kay Justin.Nag-apiran pa ang mga ito.

"Tama na nga yan! Kayo talaga.." anas ni Chesca sa mga ito.

Nakakatuwa lang na despite sa mga kanya-kanya naming problema ay nagagawa pa rin naming magsaya.

I don't know what my life would be without these idiots. ^^


"Oy di ba si Hillary yang kasama ni Kevin Torres?"

Halos mabulunan ako nang narinig ko ang sinabi ni Benj. Napalingon kami sa tinuro niyang grupo kung saan naroon nga sina Hillary at Kevin.

"Di ba nanligaw sayo si Kevin,Lea?" tanong ni Nicole.

"Ay oo,naalala ko tuloy yung narinig kung usap-usapan dati na malaki daw talaga yung pagkagusto ni Kevin kay Lea kaso may Dave na si Lea noon eh.." segunda pa ni Chesca.

Halos matawa na ako sa hitsura ni Dave.

"Hey girls,tumigil ka kayo dyan. Tingnan niyo,nakasimangot na si sexy Dave!" singit pa ni Cody na binatukan naman agad ni Justin.

Tatawa pa sana ako nang nakita kong kinuyom na ni Dave ang mga kamao niya.

Uh-uh..he's mad.The beast is mad.

Kaya ang ginawa ko ay pinilit kong pagsiklopin ang mga palad namin. Kahit noong una ay nahirapan akong i-open ang kamao niya pero kalaunan ay nag relax na siya at hinayaan na niya akong sakupin ang palad niya at pinisil ko iyon.

Napapansin ko rin yung panakaw na tingin nina Kevin at Hillary sa table. Wala naman akong maramdaman dahil confident naman ako sa amin ni Dave na ngayon ay busy lang sa pakikipag-usap sa mga lalaki.

"Lea.." tawag ni Nicole sa akin.

Sumenyas siyang tumabi ako sa kanya kaya dahil busy si Dave ay tumayo ako at tumabi kay Nicole.

Niyakap ko agad ang kaibigan ko. "I miss you. I'm glad that you're back!"

"I miss you too. Thank you nga pala for being there kay Justin noong wala ako."

Nakita ko ang lungkot ni Nicole nang sabihin iyon. Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya.

"Wala yon. Masaya ako at mukhang okay na kayo."

Ngumiti na siya at niyakap ulit ako. "Nagpropose na ba si Kuya?" bulong niya.

Agad naman akong napatingin sa kanya.

'Ha? Anong ibig mong sabihin?"

Namilog ang mata niya at napatutop siya nang kanyang bibig.

"Oh my gosh! Shocks..sorry..kalimutan mo na yun,Lea.Shit! najejetlag pa yata ako." natataranta niyang sabi pero hindi iyon nakaligtas sa akin.

Propose? May balak bang magpropose sa akin si Dave?

Nilingon ko si Dave na ngayon ay nakatingin na sa akin. Ngumiti siya saglit at agad ding bumaling sa mga kausap niya.

Hanggang sa nakauwi na ako nang bahay ay nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Nicole kanina.

Did she mean it? Or talagang may jetlag lang siya kaya niya nasabi ang mga iyon?

Pero kung sakaling totoo nga,handa na ba ako? Pero akala ko ba wala pang balak si Dave sa ganoong bagay? Akala ko ba napag-usapan na namin yon?

Pagkahatid ni Dave sa akin kanina sa bahay ay hindi na siya pumayag nang yayain ko siyang umakyat muna sa kwarto ko. Sinabi niyang may gagawin pa daw siya at kailangan niyang matapos iyon.

Hindi na rin ako nagpumilit dahil gaya niya ay napagod na rin kasi ako at kailangan ko nang saktong tulog at pahinga.

After nag-shower ay agad akong humiga sa kama ko pero laman pa rin nang isip ko ang sinabi ni Nicole. Pabalik-balik lang iyon sa utak ko.

Paano nga kaya kung magporopose si Dave? Tatanggapin ko ba? Handa na ba akong ma-engage sa kanya?

Kahit na dumating na kami sa point na kulang na lang ay kasal sa amin pero hindi ko pa rin magpicture yung sarili ko na mag-settle down nang maaga.

Wala pa kaming napapatunayang dalawa sa sarili namin at sa mga pamilya namin.

Or OA lang ang reaksyon ko? Baka gusto lang ni Dave na mas may panghawakan pa siyang lalo sa akin. Siguro naisip niyang doon na rin naman kami papunta. Pero hindi ako sigurado kung handa na ba ako sa ganyang bagay.





A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon