Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko sina Nicole at Justin na kumakain sa may dining table. Agad akong niyakap ni Nicole nang makita niya ako.
"Lea!" masaya niyang sabi sa akin.
"Nic,kumusta?" sabi ko.
"Join us,Lea." yaya ni Justin.
Hindi na ako tumanggi pa. Nakakaramdam na rin kasi ako nang gutom kanina pa habang nasa hotel ako. Bigla kong naalala ang nasa tiyan ko. I need to take extra care dahil dalawa na kami ngayon.
Umupo ako sa katapat na upuan nina Justin at Nicole.
"Manang,pakilabas na po yung Chicken Cordon Bleu " tawag ni Justin sa cook namin sa bahay.
Kumuha muna ako nang kanin at inilagay iyon sa plato ko. Napapangiti ako habang nakikita ko ang naglalambingan na sina Nicole at Justin.
"Lea,okay ka lang? Kanina ko pa napapansing namumutla ka?" may bahid na pag-aalalang wika ni Nicole.
"O-okay lang ako,Nic. Pagod lang ako." sabi ko at napainom ako nang tubig .
Naramdaman ko ang paglapit ni Manang at nang ilapag niya sa lamesa ang pagkaing dala niya ay siya namang pagbaligtad ng sikmura ko nang maamoy ko ang luto niya. Mabilis akong tumayo at nagtungo sa sink.
"Lea!"
Agad na lumapit sa akin si Nicole at hinaplos-haplos ako sa likuran ko habang patuloy pa rin ako sa pagsusuka.
"Lea,okay ka lang?"
Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Nanghihina na ako kanina pa sa kakasuka ko pero mas lalo akong nanghina nang maramdaman ko ang hinalang bumabalot kina Justin at Nicole.
Nilingon ko silang dalawa at nakita ko ang pag-aalala sa mukha nila.
"Manang,pakikuha ulit nitong pagkain." utos ni Justin kay Manang. Agad naman nitong kinuha ang chicken cordon bleu sa mesa.
Nang wala na si Manang ay inalalayan agad ako ni Nicole papunta sa lamisa at pinaupo. I know they are waiting for me to say something.
"Alam na ba ni Kuya?" ani Nicole na hinarap ako.
Nasulyapan ko si Justin na napahalukipkip lang sa tabi.
Umiling-iling ako habang patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko na kahit anong gawin kong pagpahid rito ay hindi pa rin iyon maubos-ubos.
"Just,call kuya."
"No!"
Mabilis kong sabi kay Nicole. "Please,don't tell him."
Pakiusap ko sa kanila. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nila.
"Please,Nic,Just. Promise me na hindi niyo sasabihin kay Dave ang kalagayan ko."
"Pero Lea,he has the right to know.!" angil ni Justin.
"Just,please. I don't want this to be the reason na panagutan ako ni Dave. Hindi pa siya handa. Marami pa siyang dapat abutin. Ayokong maging hadlang sa mga pangarap niya."
"Bullshit! You don't make sense,Lea." sigaw ni Justin. Batid ko ang galit sa boses niya.
"Justin! Stop that! "saway ni Nicole rito.
Si Nicole ang binalingan ko.
"Nic,please promise me na hindi ito makakarating kay Dave. I love your brother so much na hindi ko kayang masira ang mga pangarap niya."
Umiling si Nicole. "My brother loves you Azalea. And he won't be happy kung ililihim mo ito."
"Nic,lalayo ako. Gusto kong makitang successful ang kuya mo. Gusto kong matupad niya lahat ng gusto niya. Malaki ang expectation ng parents niyo sa kanya at ayokong maging hadlang doon. Please Nic?"
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."