"Forgiveness is the best form of love.It takes a strong person to say that they're sorry and an even stronger person to forgive."
Hindi ko akalaing ang nangyaring pagpunta sa amin nang pamilya ni Papa ay siyang naging tulay para tuluyan nang mabago ang isip ni Mama sa pananaw niya tungkol sa mga mayayaman. Kung nagawa ni Mama ang patawarin ang Lola ay nagawa ko rin iyon. Hindi man naging madali pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong bigyan nang chance ang Lola na kilalanin ako. Kahit ako din ay ganun din ang ginawa ko sa kanya. Ang kilalanin siya.
Kinabukasan nang gabing iyon ay pinuntahan ko sila sa hotel na tinutuluyan nila. Naabutan ko pa silang nag-aalmusal sa may restaurant nang hotel. Batid ko ang kasiyahan sa mga mata nang lola. Maging si Tita Dianna ay niyakap ako nang buong higpit nang makita niya ako. Si Justin na hanggang ngayon ay naninibago pa rin akong malaman na pinsan ko ay tahimik lang na pinagmamasdan kami nina Lola na masayang nag-uusap. Alam ko sa puso ko na masaya rin siya na makitang nagkapatawaran na kaming lahat.
Iba pa rin talaga ang feeling nang maliwanagan ka at mawala ang poot na nakatanim sa puso mo. Nakita ko ang pagiging matatag ni Mama na nagawa niyang magpatawad sa taong sobrang nakasakit sa kanya. Tunay ngang ang panahon ay nakakatulong upang maghilom ang sugat nang nakaraan. Sa ngayon,wala na akong mahihiling pa. Masaya akong nadagdagan pa ang mga taong mahal ako at mamahalin ko. May pamilya na akong matatawag. Kung nasaan man si Papa ngayon,alam kong masaya siya sa lahat nang mga nangyayari.
"Anong oras ba ang klase mo,apo?" ani ni Lola.
Alam kong sabik siyang makasama ako. Nararamdaman ko yun. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Andito pa rin kasi kami sa may restaurant nang hotel.
"Mamayang 10 o'clock pa po,Lola.." sabi ko.
Kita ko ang saya sa kanyang mukha everytime na tatawagin ko siyang lola. Ako man din ay pareho nang nararamdaman niya.
"Magpahatid ka na sa pinsan mo,para naman hindi ka na mahirapan sa pagpunta doon." dagdag pa niya.
Sinulyapan ko si Justin na nakangisi lang na nakikinig sa amin.
"Babalik na kami bukas nang Legazpi,Lea. May doctor's appointment si Mama kaya hanggang bukas lang kami rito." nagsalita si Tita Dianna.
"Ganun po ba." ani ko.
Pagkuwa'y nakaramdam ako nang lungkot. Kahit na sa konting oras na nakilala at nakasama ko sila ay may habag na akong naramdaman.
"But Justin is going to comeback here,di ba Just?" binalingan ni Tita Dianna ang anak niya.
Tumango ito. " Boot camp victory party nang lahat nang mga nananalo noong basketball tournament." aniya.
" I guess,you're going to see each other again. Sana ay maisipan mong bisitahin kami sa Legazpi,apo." sabi ni Lola.
Hindi ako nakaimik.
"Yeah,you should come visit us,iha. Bukas ang bahay para sayo. At gusto ka rin sana naming makasama nang matagal. Alam mo bang ready na ang kwarto mo sa bahay? Ito kasing lola mo ay matagal na iyong pinagawa. 5 years ago pa. kwarto iyon nang Papa mo noon."pahayag ni Tita Dianna.
Mas lalong natahimik lang ako sa mga narinig. Hindi ko maapuhap kung paano at saan ako magsisimula. Noon pa pala talaga nila kami hinahanap. Noon pa akong gustong makilala ng pamilya ni Papa. Pero paano si Mama? Hindi ko pwedeng iwan si Mama. Ayokong mag-isa siya.
"Titignan ko po,Lola,Tita. Medyo busy pa rin po kasi ako ngayon. May sasalihan kaming inter collegiate tournament para sa volleyball and then may aasikasuhin rin ako sa student's council.." paliwanag ko.
"Parang gusto kong manuod nang tournament na yun ah.." ani Justin.
Natawa ako sa kanya.
"Alam mo bang sobrang excited niyang pinsan mo na pumunta rito? Sabi kasi niya ay finally daw,matatawag mo na siyang pinsan dahil nahirapan siyang itago sayo ang totoo noong nasa Legazpi ka pa." masayang sabi ni Tita Dianna.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."