After nang pagkikita namin ni Dave sa restaurant ay hindi na iyon nasundan pa which is ipinagpasalamat ko naman. Noong ituro sa akin ni Justin ang opisina ko ay hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa sobrang sakit na nararamdaman ko nang mga oras na yun. Niyakap naman agad ako ni Justin at hinayaan lang niya akong umiyak at ibuhos ang nararamdaman ko.
Ngayon ay lampas dalawang linggo na akong nagtatrabaho bilang manager nang hotel. Si Justin ay bumalik muna pansamantala sa Legazpi para asikasuhin naman niya ang hotel doon.
Si Nicole ay busy rin sa trabaho niya sa business firm na nila na nalaman ko ring si Dave na pala ang nagpapatakbo nito.
Si Abby na sabi sa akin ni Justin ay anak daw ng isa sa mga investors ng firm nina Dave ay nagtatrabaho rin doon bilang isa sa mga marketing manager ng kompanya.
Madali kong natutunan kong paano ang pagpapatakbo nina Tita at Justin sa hotel. Gaya nang ginagawa ko noon sa hotel sa Legazpi ay tinutulungan ko din minsan ang chef cook sa restaurant para magluto at ihanda ang mga pagkain. Minsan din ay ako na mismo ang nagseserve sa mga customers namin.
Nagsimula na ring pumasok si Alexis sa isang exclusive Catholic School. Grade 1 na siya. So far,okay naman siya sa bagong school niya. Although sabi ni Mama ay nahihirapan pa rin daw si Alexis na makisalamuha dahil hindi niya pa kabisado ang local language dito. But my son is smart at alam kong matuto rin siya kalaunan.
Nakatanggap ako ng tawag galing kay Tita. Hiniling niya na sana kung pwede ay bisitahin ko siya sa Legazpi at gusto na rin daw niyang makita ang apo niya. Sinabi ko namang pag may time ay bibisita kami kahit ilang days lang. Namiss ko na rin kasi siya.
Abala ako sa pagtitipa ng computer ko nang narinig kong kumatok ang secretary ko.
"Maam Lea,you have a call from the Araneta Engineering Business Firm on the line." aniya.
Bigla kong naisip agad si Nicole kaya mabilis kong pinindot ang number para i-accept ang tawag.
"Thank you for calling Imperial Hotel,this Azalea. How may I help you?"
"Good Morning Maam Azalea! I-inform ko lang po kayo na confirm na yung business meeting niyo with Sir Dave tomorrow lunch time dito sa office."sabi ng babae.
What business meeting? Wala naman akong naalalang may business meeting ako with Dave? Baka hindi para sa akin? Baka para kay Justin ang tawag na ito at nagkamali lang sila ng branch na tinawagan?
"I'm sorry but I don't remember that I have a business meeting with your employer. Baka nagkakamali ka lang, maybe it's for Justin at mali yung branch na natawagan niyo."sabi ko.
" No Maam. Actually,it was Sir Justin who told us to tell you about the business meeting with Sir Dave since hindi raw siya makakapunta. Importante daw po kasi yung business meeting niyo with Sir Dave at kailangan ang presensiya niyo."
Justin!! Humanda ka talaga sa akin!
"Alright then. Thank you."
Pagkababa ko nang phone ay agad kong tinawagan ang pinsan ko.
"Hey gorgeous!" masayang bati agad nito sa akin.
"Justin,ano 'tong may business meeting daw ako kay Dave? Ikaw ba ang may gawa nito?" angil ko agad sa kanya.
Tumawa naman ito.
"Just,please!" ani ko.
"Calm down cousin, I am just doing you a favor. "
"Damn you Just!"
"Hep..alright okay,I admit ako yung nagset nang meeting na yan. It's about the expansion of the swimming pool area. Nabanggit kasi ni Dave sa akin na may dagdag siyang plano para doon so since wala ako diyan para pag-usapan namin yung plan ay naisip kong why not send you since ikaw naman yung namamahala dyan."wika niya.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."