Chapter 42

9.2K 201 3
                                    

Distance really makes the heart grow fonder and absence makes the heart lonely and sad. Halos dalawang buwan na akong nakabalik mula sa Legazpi.  Everyday is like light years away from Dave. 

Nag-enroll agad ako for the second semester ilang days pa lang nang dumating ako. Marami pa rin akong mga natatanggap na threats galing sa mga kakampi ni Raph and until now hindi ko pa rin matiyempuhan na makausap si Raph dahil todo iwas siya sa akin. Gusto ko lang naman sanang mag-explain sa kanya kasi malaki naman talaga yung kasalanan ko sa kanya but then again I have learned to move on and not chase him anymore.

Everyday pa rin kaming may communication nang mga kaibigan ko pati na si Dave. Noong isang buwan ay hindi ko sila nakasamang mag-christmas dahil hindi pumayag si Mama na hindi niya ako kasama nang i-celebrate niya ang death anniversary ni Papa. Hindi naman nakapunta sina Lola dahil lumipad daw ito sa Amerika para magpagamot at doon na din nag-pasko.

Grabe ang iyak at lungkot ko nang araw na iyon. I was crying really hard on the phone nang tawagan ako ni Dave on Christmas Eve. Miss na miss ko na siya. He wanted to visit me and be with me pero hindi pwede dahil nag out of the country din silang magpapamilya.

Everything that I planned were all gone. Yung plano kong magpasko kasama siya ay hindi natupad. Yung pinangako kong darating ako sa league nila ay hindi ko rin natupad. Lahat pala nang kasiyahan ko noong birthday ko ay unti-unti nang napapalitan nang mga broken promises.

Nang mag New Year naman ay nalaman kong nag out of the country ulit ang pamilya nina Dave. Mula noon ay unti-unti nang nababawasan ang communication namin. Kaya yung pagkamiss ko sa kanya ay binuhos ko na lang sa pag-aaral at pag continue sa mga bagay na meron ako dito sa Tarlac.


"Lea,una na kami sayo.."

Sabi sa akin ni Mimi nang maabutan niya ako sa locker room.

Malaki na lang din ang ipinagpasalamat ko na muling bumalik yung way nang pakikitungo sa akin nang mga kateam mates ko dahil nagawa ko ring ipaliwanag sa kanila ang side ko. 

Ngayon ay hindi na ako masyadong nag-aalala na baka iwasan nila ako sa halip ay nanatili kaming magkakaibigang lahat gaya nang bagong pasok ko sa team noon.

Kakatapos lang nang practice namin at andito lang ako sa locker room para magpalit nang damit at kunin ang mga gamit ko bago ako umuwi.

"Sige,Mimi. Bukas ulit." sabi ko.

Nang makapagbihis na ako ay agad akong lumabas sa locker room at binaybay ko ang corridor nang building. Medyo madilim na rin kaya konti na lang ang mga estudyante.

LEA!

Halos itulos ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang tawag sa akin ni Raph mula sa likuran. Naka-jersey pa siya. Nakita ko ang pagbabago niya. Medyo nangangayayat siya. Hindi na siya ang dating Raph.

"Raph."

Nilingon ko siya at hinintay siyang makalapit sa akin. Mas lalo kong napansin ang pag-iba nang mukha niya at nang katawan niya. Para siyang may sakit. Yung mga mata niya ay nanlalalim. At kita ko ang lungkot sa mata niya.

Matagal muna bago walang nagsalita sa aming dalawa. 

"Im sorry.."

"I'm sorry"

Nagkasabay pa kami na magsalita.

"I-ikaw na ang mauna." aniya.

Huminga muna ako nang malilim bago nagsalita."I'm sorry Raph. Alam kong nasaktan kita." 

Sinserong sabi ko sa kanya. Bigla ang paglamlam nang mukha niya.

"My intuition after all were true. Akala ko ay guni-guni ko lang yung nakita kong tensyon niyo ni Araneta noon sa party." panimula niya. "I have seen the way he looked at you,Lea. And lalaki rin ako. I already have the feeling na hindi lang kayo magkaibigan.Alam kong sa mga titig niya sayo ay kasama doon ang pagmamahal." 

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon