Chapter 31

11K 229 5
                                    

Pinaikot ako ni Dave para mayakap niya ako mula sa likuran. Ngayon ay nakadikit ang likod ko sa dibdib niya, Ang mga bisig niya ay nakayakap pa rin sa akin. At ang mukha niya ay ipinahinga niya sa aking leeg. Ang mga kamay ko naman ay nakahawak sa mga braso niyang pumalibot sa akin.

" Why did you leave?" aniya na sandaling nagpakirot nang puso ko.

Huminga muna ako nang malalim bago ka siya sagutin.

"Natakot kasi akong maranasan ang naranasan ni Mama noong pagmalupitan siya nang Lola. Natakot akong baka gaya niya ay hindi rin ako magustuhan nang pamilya mo dahil sa katayuan ko sa buhay." mahina kong sabi. 

Wala siyang imik kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Mahal na mahal kita pero natatakot akong baka hindi ako ang para sayo.I'm sorry kung bumitiw ako at mas pinili kong maging duwag kaysa sa samahan kang harapin kung anuman man ang mangyayari sa bukas." napapalunok ako habang sinsabi yun dahil para bang may bumabara sa lalamunan ko.

"You know that I'll fight for the both of us. You know that I won't give you up." naramdaman ko ang mainit at mabango niyang hininga sa leeg ko nang sabihin niya yun. Napapikit ako. "Halos mabaliw ako noong iwan mo ako." dagdag pa niya.

"I'm sorry..." tanging nasabi ko na lang.

Namayani muna ang katahimikan sa amin bago muli akong nagsalita.

"Noong umalis ako ay iniwan ko na din dito ang puso ko. I tried to forget you pero hindi ko talaga magawa ka." saad ko. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin at ginawaran niya ako nang halik sa leeg.

Lahat na yata ng klase nang sensasyon ay naramdaman ko na sa mga ginagawa niya.

"Me too. I tried to forget you,.I even thought of hating you but my heart says it's only you. You were always in my heart and you will always be here in my heart forever. You own my heart Azalea...." bulong niya sa tenga ko. "Please don't leave me anymore baby... kasi hindi ko na alam kung makakaya ko pa kapag iwan mo ulit ako." pagsusumamo niya.

Naramdaman ko ang marahang paghalik niya sa pisngi ko kaya umikot ulit ako para humarap sa kanya.

" I love you so much,Dave...at hindi na kita iiwan pa.." puno nang emosyon kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya at ginawaran nang munting halik ang tungki nang ilong ko.

"I love you more than my life,Azalea..."aniya. "We will fight for our love..together this time..." at hinalikan ulit ako sa lips.

Sabi nga nila when you truly love, you are going to take risks. That's part of loving. You fight for it,if you lose you get back up and as long as you are together there's no such thing as obstacles.


Bumalik kami ni Dave bago mag-midnight. Pinark muna niya ang sasakyan niya sa parking lot.

"Dave,paano na si Xenia?" bigla kong tanong sa kanya. Pormal lang ang kanyang mukha.

"Matagal na kaming wala." aniya. 

"Kailan pa?" di ko na napigilang magtanong.

"Pagkatapos noong party?"...sabi pa niya na siyang ikinagulat ko. " When I decided to attend the party hindi ko din inaasahan na makita kita roon. Justin never told me anything about you except the part where he told me na ikaw yung nawawala niyang cousin. Ni hindi ko nga alam na nasa Tarlac ka at nag-aaral. After you left me, I was a total mess kaya siguro pinili ni Justin na manahimik na lang. Pati ang barkada ay hindi ka na rin nababanggit sa tuwing kaharap ako." 

Huminga muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita.

" Nakilala ko si Xenia noong Basketball sports fest at mula noon ay nagkaroon na kami nang kontak sa isa't-isa." sabi niya.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon