Sabi nga nila,it's rare to be given a chance to live twice kaya naman never waste it if you're lucky enough to have it.
Pagkatapos nang aksidenteng nangyari ay mas naging mahigpit pa sa akin si Dave. Tinotoo nga niyang gusto niyang hindi ako mawala sa paningin niya.
Pagkalabas ko ng ospital ay umuwi agad kaming magpamilya sa condo. Si Dave na ang nag-asikaso kay Alexis at ako naman ay pinagpahinga na niya sa kwarto namin.
Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang takot na mawala ako. Noong magblanko na ang lahat sa akin sa pagkaka-aksidente ko akala ko ay hindi na ako magigising pa at hindi ko na makikita pang muli ang mga mahal ko sa buhay.
It was so peaceful na wala akong maramdamang anumang sakit. But then all I could here were voices around me.Ang boses ni Dave na kahit anong pilit kong mag-respond ay hindi ko magawa. Gusto kong magsalita pero hindi ko maibuka ang bibig ko. I wanted to open my eyes but I couldn't do it dahil wala akong lakas.Ngayon ko lang naalala ang lahat ng nangyari. Naalala kong nagda-drive ako sa kalsada pero nakaramdam ako ng pagkahalukay sa tiyan ko at nang matinding pagkahilo pero mas nandilim ang paningin ko ng matuon sa akin ang headlight ng isang sasakyan kaya ang ginawa ko ay tinabig ko ang manibela pero huli na ang lahat at naramdaman ko na lang ang pagkaalog ko at ang pagtilapon ko.At wala na akong maaalala pa.
Dahil hindi pa rin pumapasok si Dave sa kwarto ay minabuti kong icheck sila ni Alexis.
Nadatnan ko sila sa may kitchen counter at kasalukuyang pinapakain ni Dave si Alexis. Nang makita niya akong papalapit ay agad na tumayo si Dave at nilapitan ako.
"Baby,why did you get up? Are you hungry?"
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya kaya minabuti kong humawak sa braso niya.
"I'm just checking you two. " sabi ko.
Inihigit na ako ni Dave sa counter at tinulungang maupo.
"How are you baby?" tanong ko kay Alexis.
"I'm okay Mommy. Dad,made me a sandwich." aniya.
Napangiti ako at sinulyapan ko si Dave na ngayon ay nakatitig lang sa akin.
"Babe,kumain ka na rin."sabi ko.
Agad naman siyang sumunod. Busog pa ako kanina dahil hindi ako hinayaang umalis ni Dave sa ospital nang hindi man lang kumakain. Siya na ang nagpakain sa akin kanina.
May kung anong humaplos sa puso ko na masilayan muli ang mag-ama ko.
Matapos nilang kumain ay agad na nilinis ni Dave ang mga pinagkainan nila ni Alexis.Ako naman kahit tutol si Dave ay hinila ko na si Alexis papunta sa kwarto niya at ako na ang nagbihis sa anak ko para makapagpahinga na ito.
"Mommy,are you okay now?" ani Alexis nang tabihan ko siyang mahiga sa kama niya.
"Yes baby,Mom is okay now so don't worry okay? Go to sleep now,baby.." sabi ko sabay halik sa pisngi niya. "Good night."
Habang hinihintay kong makatulog si Alexis ay siya namang pagpasok ni Dave.
"Is he asleep now?" aniya na umikot sa kama at tsineck ito.
"I think so.."
Ginawaran niya ng halik ang anak namin saka nilapitan na ako.
"Let's go?" yaya niya at tinulungan akong makatayo.
Inalalayan niya ako palabas ng kwarto ni Alexis hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa kwarto namin.
Pinaupo niya ako sa kama at dumiretso siya sa closet namin at nakita kong kumuha siya ng damit ko roon.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."