"Kumusta po Aling Agatha?" bungad ko kay Aling Agatha nang dumating siya sa bahay kinabukasan.
Naging magaan na ang pakiramdam ko mula kahapon kahit pa nanatili pa ring hindi ako kinikibo ni Mama ay nagpasalamat na lang ako na hindi niya na ako inusisa tungkol sa mga kaibigan ko.Magkikita na kami bukas ni Dave at iyon lang ang tanging nasa isip ko.
"Okay naman. Kumusta kayo rito?" aniya habang tinutulungan ko siyang ipasok ang mga dala niya.
Nakasunod naman si Mama sa amin dala ang dalawang plastic bag na may lamang pinamili ni Aling Agatha.
"Okay naman kami.Mukhang nawili ka doon sa kapatid mo ah..." nagsalita si Mama.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay ay inutusan ako ni Mama na maghanda ipaghanda ng makakain si Aling Agatha kaya nagpunta ako sa kusina.
Mas mabuti na ring ganito,civil si Mama sa akin. Alam kong galit pa rin siya at nasaktan sa mga nangyari. Mabait si Mama at alam kung ginagawa niya lang ito dahil mahal niya ako. Kaya lang ay may mga bagay na hindi ko maintindihan. Gaya na lang nang sobrang pagkamuhi niya sa mga mayayaman.
Kung pagbabasehan ko ang mga umapi sa amin noon ay hindi ko naman masasabing mayayaman ang mga ito.Naisip ko tuloy na baka noon pa man ay may galit na talaga siya kahit noong buhay pa si Papa.
Napili kong ipaghanda si Aling Agatha ng tinola at pritong isda.Binilisan ko ang pagluto ng mga ito dahil alam kong gutom at pagod siya sa biyahe. Nang matapos na akong magluto ay napagdesisyunan kong tawagin na siya at si Mama para sabay-sabay na lang kaming mananghalian.
"Hanggang kailan kayo roon?"
Napatigil ako sa paglakad ng marinig ko ang seryosong usapan nila Mama At Aling Agatha. Bigla akong kinabahan.
"Hindi ko pa alam.." ani Mama.
Nagtago ako sa may gilid ng hagdanan.Hinawi ko pa ang aking buhok para mas mapakinggan lalo ang kanilang pinag-uusapan.
"Pero paano ang pag-aaral ni Lea? Iskolar ang anak mo ,paano kung mawala iyon?"
Doon na ako mas lalong natakot. Anong plano ni Mama?
"May parte pa akong lupa roon,pwede kong ibenta yun para makapagsimula kaming muli ni Azalea..." sabi ni Mama.
Lupa? Ibebenta? Saan? At bakit?
"Alam na ba niya ang plano mong pag-alis rito?"
May kung anong sumuklob sa akin. Parang pinagbagsakan ako ng napakabigat na bagay.
"Buo na ang pasya ko Agatha. Mamumuhay kami ng bago ni Azalea sa probinsya kung saan ako lumaki. Mamumuhay kami ng tahimik sa Tarlac. Ibebenta ko ang lupang binili namin ni Ramon noon na para sana manahin iyon ni Azalea pagdating nang araw. Yung perang kikitain ko roon ay gagamitin kong pantutustos sa pag-aaral niya doon."
Namilog ang mga mata ko at napatutop ako sa aking bibig.
Balak ni Mama na umuwi kami sa Tarlac? Bakit? Akala ko ba wala na kaming babalikan roon mula noong mailit ng bangko ang bahay namin?
"Kailan kayo aalis?" tanong ni Aling Agatha.
Matagal bago pa sumagot si Mama.
"Sa susunod na araw. Pagkatapos ng acquaintance party ni Azalea." sabi ni Mama. " Aling Agatha,umaasa akong wala po kayong pagsasabihan ng tungkol dito. Kung may magtanong man,wag niyo pong sabihin kong nasaan kami ng anak ko.Ako na po ang bahalang magpaliwanang kay Azalea."
Hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Tumakbo ako papuntang kwarto at doon ay umiyak lang ako ng umiyak.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."