Chapter 17

11.3K 263 1
                                    

Napangiwi ako nang nakita ko kung paano lagukin ni Nicole ang isang baso ng emperador na parang sanay na sanay na siya. Sinalinan pa nito ang aming mga baso. Si Chesca ay lumagok na rin. Sina Jasmine at Alyssa na halatang first time ding uminom ay medyo nagdalawang isip pa.

"Just think of it as water. Yun lang." nakangising sabi ni Nicole.

"What if sabay na lang kayong tatlo since first time niyo naman." singit rin ni Chesca.

Kaming tatlo nina Jasmine,Alyssa at ako ang tinutukoy nito. Nagkatinginan kami. Napapalunok na ako at kinakabahan. Nang tumingin ako kay Dave ay nakita ko ang pag simangot niya. Tumaas ang kilay ko at pilya ko siyang nginitian. 

Halos magkasabay naming nilagok ang aming mga baso. Muntik pa akong masamid ng naramdaman ko ang init na dulot ng alcohol sa aking lalamunan. Hindi ko na napigilang mapangiwi. Maging sina Jasmine at Alyssa ay ganun din ang nangyari. Pinagtatawanan pa kami nina Nicole at Chesca.

"Somebody's not in the mood now..." narinig kong sabi ni Benj na ang tinutukoy ay si Dave na napahalukipkip na lang sa kinauupuan niya habang seryoso ang mukhang nakatingin pa rin sa akin.

Imbes na mangilag ay para akong ginanahan. Naaliw kasi ako sa mukha ni Dave. Ang sungit na nang kanyang gwapong mukha at nagdudulot iyon ng kiliti sa aking puso.  Kaya hindi ko na pinalampas ang pangatlong baso na ipinasa sa akin ni Nicole. Nilagok ko iyon ng diretso.

Ngayon ay mukhang nasasanay na ang aking lalamunan sa lasa nito. Sa pangatlong lagok ko ay nag-init na ang aking katawan. Nagsimula na ring umalon ang paningin ko. Feeling ko ang bigat-bigat na ng mukha ko. Ni hindi ko na nga namalayan na napapa-halakhak na rin ako sa mga palitan ng joke nina Jasmine at Nicole. Si Alyssa naman ay mukhang bangag na dahil nakatayo na ito ngayon at umiindak sa rock 'n roll na kinakanta ni Wilford.

"Kabanas si Wilford,mahiya ka nga sa boses mo baka sabihing naghahanap ka ng away!" kantiyaw sa kanya ni Benj na siyang nagpahalakhak sa aming lahat.

Sina Dave at Justin naman na kanina lang ay seryosong nag-uusap pero ngayon ay pangiti-ngiti na. Ipinasa ni Wilford ang mikropono kay Chesca. Tumayo ito at naghintay kay Cody na pumipindot ngayon sa number ng kakantahin nila.

"This song is dedicated to all the lover's out there,sa mga umiibig,sa nagpapaibig at sa mga sawi sa pag-ibig..." malakas na sabi ni Cody na para bang nagko-concert lang. Halatang may tama na ito. Si Chesca naman ay napapahagikhik sa tabi nito.

"We've come so far to leave it all behind,I wonder why..." simula ni Cody.

Para akong kinilabutan sa lamig ng boses nito.

Hindi rin nagpahuli si Chesca. Natuon diin ang aking atensyon ng magsimula na niyang kantahin ang kanyang part.

"Or did you go away"

"And left me all alone"

"No words can say"

"My love,please stay."

Nakita kong tumayo sina Wilford at Benj at nagyakapan ang dalawa. Nagkatawanan ulit kaming lahat. 

"You and I"

"We have moments left to share."(moments left to share)

Gumalaw ang ulo ko na para bang nagpapatianod sa napakagandang blending ng mga boses nina Cody at Chesca.Kusa pang pumikit ang aking mata habang dinadama ko ang bawat ibig sabihin ng lyrics ng kanta.

"You and I"

"We can make it anywhere.."(make it anywhere)

"You and I"

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon