Parang binabaligtad ang sikmura ko nang magising ako kinaumagahan kaya mabilis kong tinakbo ang banyo at doon nagsusuka.
"blurrggghhh"
Pakiramdam ko ay nanghihina ako.
"blurrgghhhh.."
"Baby,are you okay?"
Puno nang pag-aalalang dinaluhan agad ako ni Dave at hinaplos niya ako sa likod.
Pero hindi ko pa rin makontrol ang pag-alsa ng sikumura ko. "blurrrggghhhh..."
"baby..." aniya na pati buhok ko ay hinawi niya na rin.
Napakapit ako braso ni Dave dahil pakiramdam ko'y mabubuwal ako sa sobrang enerhiyang nawala sa akin.
Nang nag-subside na ang pagsusuka ko ay siya na mismo ang nagpahid sa bibig ko.
Ini-on ko ang gripo at nagmumog ako.
"Is this one of the signs sa pagbubuntis mo?"
Mataman niya akong tinitigan sa may salamin.
"O-oo.."mahina kong sabi.
Pagkuwa'y inalayayan niya ako palabas ng banyo at pinaupo niya ako sa kama.
"Si Alexis?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
Bigla kong naalalang may klase nga pala ngayon si Alexis.
"Sinundo siya kanina ni Tita para ihatid sa school." aniya.
Nawala ang pag-aalala ko.Buti na lang ay andyan si Mama para tulungan kami kay Alexis. I feel sorry for my son dahil hindi ko nagawang asikasuhin siya ngayon.
"Hindi ka pa ba papasok sa trabaho?" baling ko kay Dave na nakatayo sa harap ko at nakatunghay lang sa akin.
"No.My parents are there so okay lang na hindi muna ako pumasok. I'd like to be here for you. If may trabaho man sa opisina na kailangan kong asikasuhin,I can work at it dito sa bahay total my computer naman ako dito." pahayag niya.
Hindi ko mawaisang makaramdam ng konsensiya dahil sa masyado ko nang naabala ang mga tao sa paligid ko. Especially Dave.
Nagbaba ako ng tingin. I feel like crying."I'm sorry.."
Agad siyang lumuhod sa harapan ko at inangat ang mukha ko.
"Baby..what are you sorry for?"
"I'm like a burden to you and to our family."naiiyak kong sabi.
I don't know why I'm so emotional right now.
Agad akong niyakap ni Dave at hinaplos niya ang likod ng ulo ko.
"You are not a burden baby. I want you to get well lalo pa't you're pregnant." saad niya.
Tinitigan niya ulit ako saka hinalikan ang labi ko.Madali lang yun pero nagdulot pa rin iyon ng init sa akin.
Tumayo siya at hinila ako sa kanya kaya napatayo na rin ako.
"Let's go to the kitchen para makapag-breakfast ka na."ani Dave saka hinila na ako palabas ng kwarto namin.
"What do you want to eat?" tanong niya agad sa akin ng nasa counter na kami.
Nakaupo na ako sa silya habang siya ay nananatiling nakatayo at naghihintay para sa sagot ko.
"Kahit ano I guess.."
Honestly,I don't know kung anong gusto nang tiyan ko. Wala akong maisip.
"No specific food that you're craving for breakfast to eat?" panigurado niyang sabi.
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [Completed]
Romance"You can close your eyes to the things that you don't want to see but you cannot close your heart to the things that you do not want to feel."