Chapter 67

13.1K 273 5
                                    

Naramdaman kong lumundo ang sofa na inuuuan ko. Kahit di ko lingunin ay alam kong siya ang umupo sa tabi ko. Hilam pa rin ang mga mata ko ng luha dahil hindi pa rin matigil-tigil iyon kahit pa kanina pa ako umiiyak.

Narinig ko ang pagsinghot ng katabi ko. He's crying. He's hurt because of me. Because of my selfishness.

"You are so unfair..."mahinang sabi niya.

I know he's hurt.

Inangat ko ang ulo ko at nilingon ko siya. Kahit tanging light lang galing sa labas ang nagbibigay liwanag sa opisina ko ay nakikita ko ang paghihirap niya. Ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ang galit niya. Kita kong namumugto na rin ang mga mata niya.

I don't know what to say. I don't know how to make it up to him. I don't know kung saan ako magsisimula.

"When did you learn that you are pregnant?" tanong niya na hindi man lang ako tinitignan.

Lumunok muna ako bago nagsalita. "Few days bago ako umalis ng Legazpi 5 years ago." mahina kong sabi.

Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya at ang pagtiim ng mga bagang niya.

"How could you be so cruel,Lea? How could you be so unfair to me?" nahihirapang sabi niya saka nilingon na ako.

Muli ay napahikbi ako.

"How could you hurt me this much?" usig niya sa akin.

Para akong sinasaksak sa puso ng ilang beses dahil sa sakit na nararamdaman ko para sa kanya.

Paano ako hihingi ng tawad sa kanya? Paano ako makakabawi sa lahat ng sakit na dulot ko sa kanya?

"Was that the reason why you left me?" aniya.

Tumango ako saka umiling.

"Natakot ako ng nalaman kong buntis ako,Dave. Gulong-gulo ang isip ko noon. Hindi ko alam kung papaano kung sasabihin sa iyong buntis ako gayong alam kong hindi ka pa handa para sa ganito."

"Bullshit!" sigaw niya at padarag siyang tumayo. dahil sa takot ay tumayo na rin ako.

"Dave.." nanginginig kong sabi.

"Bullshit,Lea! How could you say that when you don't even know kung ano ang nasa utak ko!"

Halos manginig na ang buong katawan ko sa galit na galit na boses ni Dave. I want to hold him. I want to hug him pero natatakot akong baka umiwas siya kaya nanatiling lang akong nakatayo sa gilid niya.

"I was planning to build my future with you,Lea kaya nagsikap akong matupad lahat ng pangarap ko para makasama kita. But you ended up leaving me again.You left me hanging na siyang lagi mong ginagawa. " aniya.

"Dave,oo na. OKay? Kasalanan ko na! Gusto ko lang namang mapabuti ka. Ayokong pilitin mo ang sarili mong panagutan ako dahil nabuntis mo ako. Mga bata pa tayo,ni wala pa tayong napapatunayan sa sarili natin noon.Alam kong mahal mo ako kaya natatakot ako sa maaaring mo gawin. Natatakot akong madisappoint mo lahat ng umaaasa sayo. Natatakot akong masira ang mga pangarap mo nang dahil sa akin. Natatakot akong maging dahilan ng distraction mo." napahagulgol kong bulalas saka napaupo ako ulit dahil naramdaman kong wala nang lakad ang mga paa kong tumayo."I never meant to hurt you like this Dave..I'm sorry..I'm sorry.." sabi ko habang patuloy lang ako sa paghagulgol.

Narinig ko ang mabibigat niyang paghinga na para bang nahihirapan din siyang ilabas kung ano pa man ang dapat niyang ilabas.

"Kung hindi ko ginawa yun,I won't be seeing a successful man in front of me now." anas ko. " You don't how proud I am dahil narating mo na rin sa wakas ang gusto mong marating. I did what I did because I want the best for you."

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon