Chapter 22

11.4K 261 4
                                    

I should be happy. But I can't and I'm not. This is day that's like death for me. Dapat masaya ako na magkikita na kami ni Dave nang hindi ako nagwo-worry na malaman ni Mama,pero hindi eh.I am worried kung paano ko tatatagan ang loob ko sa desisyon ko. Kung paano tatanggapin nang puso ko. Knowing and loving him was the greatest thing that ever happened to me. Ito na siguro ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. Ang mahalin at magmahal. But love is complicated.

Andito kami ngayon sa bahay nina Chesca.Gaya ng mga Araneta,hindi rin pahuhuli ang bahay nito sa pagiging magarbo.

Masaya kaming pinatuloy ng kanilang mga magulang. Halatang puro mababait ang mga ito.

Agad kaming nagkulong sa kwarto ni Chesca.Inilapag ni Nicole ang dalang paper bag na naglalaman ng mga gowns na susuotin namin sa party.Nagsimula nang make-up'an ni Chesca si Jasmine. Si Alyssa naman ay isinusuot na ang kanyang gown. Habang ako ay inaayusan na ni Nicole.

Kinulot ni Nicole ang buhok ko. Pagkatapos ay itinali niya iyon pataas. Nagliwanang tuloy ang mukha ko. Tapos nilagyan naman niya ang side ng buhok ko nang may maliliit na bulaklak na parang kapareha ng tiara.

"Al,pakiabot nga yung white paper bag.." ani Nicole.

Lumapit si Alyssa sa gawi namin at iniabot kay Nicole ang paper bag.

" My brother wants you to wear this. Siya mismo ang bumili nito para sayo." nakangiti niyang sabi.

"OMG! Ang swerte mo Lea! Ang thoughtful ng bf mo!" bulalas ni Alyssa.

Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o maiinsulto. Ano ba ang iniiisip ni Dave?

Kinuha ko ang bag at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang One shoulder chiffon mini-cocktail dress. Agad akong napahanga sa simpleng disenyo nito.

"Wow! Ang ganda!" sabi ni Alyssa.

"Yeah he got taste for his woman." tudyo ni Nicole.

Pinamulahanan ko naman iyon.

"He said his going to pick you up here." untag ni Nicole sa akin.

Dumaloy ang kaba sa aking dibdib. I should make this night a special one. Our last night together.

"Lea,what's the matter?"napahinto si Nicole sa pag-suklay ng buhok ko ng makita niya ang pagtulo ng luha ko.

Maging ang iba pang naming mga kaibigan ay nakuha ko din ang atensyon. Kita sa mukha nila ang pag-aalala. Hikbi pa rin ako ng hikbi. Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang mga luhang ito dahil akala ko ay ubos na sa pag-iyak ko kahapon.

"Lea...is this about your Mom?" ani Nicole.

Umiling-iling ako. Wala pa silang alam tungkol sa pag-aayos namin ni Mama. Tama bang maglihim ako sa kanila? Hahayaan ko bang isipin nila na hindi pa rin kami nagkakaayos ni Mama? Sasabihin ko bang ito na ang huling beses na makikita nila ako? Sasabihin ko bang ngayong gabi ko bibiguin si Dave?

Hindi ko alam kung paano ko nalampasan ang bugso ng emosyon ko kanina. Andito na kaming lahat sa gilid ng kalsada sa labas ng bahay nina Chesca.Naghihintay na lang kami sa aming sundo. Bagamat may bikig pa rin akong nararamdaman,itinago ko na lamang iyon pansamantala dahil ayokong tuluyan ng masira ang gabi ko lalong-lalo na ang sa mga kaibigan ko.

Huminto sa tapat ng bahay nina Chesca ang ford na sasakyan ni Benj kasunod ang itim na Chevi ni Dave. Agad na lumukso ang aking puso sa tuwa. This familiar feeling. Unang bumaba si Benj.

"Okay pretty girls,get in now...baka hamugin pa kayo diyan sa mga suot niyo. .."ani Benj.

"Thanks?" sarkastikong sabi ni Chesca sa kapatid.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon